Walang tigil ang pag-arangkada ng koponan ni Dexter “DEX STAR” Alaba na Blacklist International sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) playoffs.

Sa ikalawang araw ng playoffs nagawang itumba ng Blacklist ang number one seed ng kasalukuyang season na Bren Esports sa score na 3-1 upang umabante sa Upper Bracket Finals, ang kanilang magiging daan patungo sa Grand Finals.

Coach DEX STAR sinabing nakabuti para sa Blacklist ang pagkatalo

DEX STAR Blacklist International MPL PH S11 playoffs
Credit: MPL PH

Matapos ang dominanteng performance na ipinakita ng mga Agents, ibinahagi ni Coach DEX STAR na malaking bahagi ng kanilang tagumpay laban sa Bren ay ang mga natanggap nilang pagkatalo sa kamay ng M2 World champions noong regular season.

Ayon sa pro player turned coach, itinuturing nilang blessing ang pagkakabalagbag sa kanila ng mga players ng Hive.

“Para sa’min kasi parang blessing in disguise din yun eh,” sabi ng coach. “Kasi kung nanalo kami dun sa match na yun, siguro magiging complacent kami sa practice kasi tinalo namin yun number one.”

Kwento ng Blacklist coach, ginawa nilang inspirasyon ang karanasan na ‘yon upang magpursigi at lalong paghusayin ang kanilang laro.

“Dahil dun sa nangyaring yun, na-realize namin na meron pa kaming kelangang idagdag sa practice namin.”

Makakasagupa ng Blacklist sa Upper Bracket Finals ang magwawagi sa pagitan ng ECHO at RSG Slate Philippines.

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:

Para sa iba pang balita tungkol sa esports at MPL, i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.