Hindi nagpatumpik-tumpik si Gerald “Dlar” Trinchera na ipakita sa mga miron sa MPL Indonesia kung bakit tinitingala siya bilang isa sa pinakamalakas na offlaners sa mundo. 

Pasabog ang ipinakitang debut game ng bagong EVOS Legends star ng tulungang patumbahin ang kaniyang ex-teammate na si Allen “Baloyskie” Baloy at ang koponan nitong Geek Fam ID sa Week 2.

Credit: MPL ID

Bigatin ang isinalang ng “The General” sa kaniyang signature Esmeralda at Uranus para isarado ang laro sa 2-0 sweep.


Mabilis mang nagapi ang Geek Fam ID, EVOS Dlar pinuri pa rin si Baloyskie

Credit: MPL ID

Matapos ang kaniyang debut game, hinarap ni Dlar ang mga miron katuwang si Clara Mongstarr para sa post-game interview kung saan inilahad niya ang karanasan niya sa unang laro niya sa MPL ID.

Partikular kontra kina Baloyskie at kapwa pinoy na si Janaaqt ay mapaglaro ang sagot ni Dlar sa karanasan niya sa laro. “I think EZ,” aniya.

Kahit pa naging madali ang matchup kontra Geek Fam ID, pinuri ng EXP laner ang ipinakitang laro ng kaniyang dating kapitan sa ONIC Philippines.

“I think he (Baloyskie) is improved now. Better than before,” sabi niya. Sundot pa ni Dlar, “And I really really miss Baloyskie so much.”

Credit: ONE Esports

Bagamat unang salang pa lamang ito ni Dlar katuwang ang kapwa bagong-saltang players sa MPL ID Season 10, hindi daw naging mahirap ang kanilang komunikasyon sa laro kasama ang Geek Fam.

Kuwento ng ex-ONIC superstar, hindi naman daw siya nahirapan sa pakikipag-usap lalo na sa kaniyang mga bagong kalaro na sina DreamS at Sutsujin na galing MDL ID. 

“I think for me, so-so. My teammates, I ask them to help me, like that, and I ask them whats the Indonesian language (translation),” banggit ng pro.

Tungkol naman sa inaasahan niyang matchup kontra sa kaniyang team, inaantabayanan daw niya ang ONIC Esports.

Credit: ONE Esports

Matatandaan na nasa hanay na ng ONIC ang dalawang pamilyar na mukha para kay Dlar na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol at ang dati niyang coach na si Denver “Coach Yeb” Miranda. 

Sundan ang pinakahuli sa MPL ID sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Markyyyyy bigo sa kanyang MPL ID S10 debut matapos matalo ang BTR sa kamay ng RRQ Hoshi