May mga positibo at negatibong aspeto raw ang player rotation ng EVOS Legends, ayon sa dating manlalaro nilang si Donkey.

Dahil may 10 players ang koponan sa MPL ID Season 9, natural lang na makahulma ang EVOS Legends ng strategy mula sa kanilang player rotation.

Simula ng season, nagkaroon ng iba’t-ibang eksperimento ang EVOS Legends sa gamit ang iba’t-ibang players. 10 mula sa 11 players nila ang nakapaglaro na.

Ang tanging player na hindi nakalaro sa MPL ID Season 9 ay si Falah na na-demote sa EVOS Icon, ang MDL team ng koponan. Siya ay pinalitan ni Wannn.

Pros at cons ng player rotation ng EVOS Legends, idiniscuss ni Donkey
Credit: EVOS Esports

Bagamat natural lang ‘to sa mundo ng sports, iginiit ni Donkey na may positibo at negatibong impact raw ang player rotation ng EVOS Legends. Inamin niyang dismayado siya sa naturang strategy pero maaari pa rin itong magamit ng koponan lalo na sa playoffs.


Donkey, nalalabuan sa player rotation ng EVOS Legends

Pros at cons ng player rotation ng EVOS Legends, idiniscuss ni Donkey
Credit: Donkey_Yurino Instagram

Habang sinusuri ang player rotation ng EVOS Legends sa MPL ID Season 9, inamin ni Donkey na hindi pa siya sigurado kung gaano nga ba kalakas dapat maging ang tropa ni REKT para hiranging kampeon.

“Tidak tahu ya. Sejujurnya saya masih bingung dengan kekuatan EVOS sebenarnya itu seperti apa. Soalnya mereka terus rotasi pemain sih, jadi saya tidak tahu kekuatan mereka sesungguhnya segimana,” banggit ni Donkey sa RevivaLTV.

(‘Di ko alam. Sa totoo lang, nalilito pa rin ako kung gaano nga ba kalakas ang EVOS Legends kasi parati sila nagro-rotate ng players, kaya hindi ko alam ang tunay nilang lakas.)

“Bagusnya itu musuh tidak bisa menebak strategi EVOS itu seperti apa. Mungkin EVOS juga sudah menyimpan strategi untuk playoffs, karena melihat posisi mereka sekarang juga sudah sulit untuk amankan upper bracket,” paliwanag pa niya.

(Maganda siya dahil hindi mahuhulaan ng kalaban ang magiging strategy ng EVOS. Baka naghanda rin ng strategy ang EVOS para sa playoffs dahil sa posisyon nila ngayon, mahirap para sa kanilang makapasok sa upper bracket.)

Sa kabila ng positibong aspeto ng player rotation ng EVOS Legends, nanantili ang koponan sa ika-apat na puwesto ng MPL ID Season 9 na may pitong panalo at limang talo.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Geek Fam ID, bigong makapasok sa MPL ID S9 playoffs