Hindi na makaka-qualify sa playoffs ng MPL Indonesia Season 9 ang Geek Fam ID matapos silang mawalis ng Bigetron Alpha noong ika-anim na linggo ng regular season.

Sa 10 laban na nilaro ng Geek Fam ID, wala sa mga ito ang kanilang naipanalo. Dahil dito, sila ay mathematically eliminated na sa playoff race kahit pa may apat na laban pa silang natitira.

Ito na rin ang ika-anim na sunod na season na bigong maka-abante sa playoffs ang koponan simula noong una silang sumali sa liga noong MPL ID Season 4.

Bagamat nananatiling mainit ang kompetisyon, hindi naman nito napigilan ang mga koponan na magpabatid ng suporta sa na-eliminate na team.

Ang mensahe ni BTR Maxx para sa Geek Fam ID

Geek Fam ID, bigong makapasok sa MPL ID S9 playoffs
Credit: MPL Indonesia

Isa ang jungler ng Bigetron Alpha na si Maxx sa mga agad nagbigay ng suporta sa koponan matapos makumpirmang bigo muli itong makapasok sa playoffs.

Bagamat masaya rin siya sa kanilang panalo, hindi niya nakalimutang subukang pagaanin ang loob ng Geek Fam ID at paalalahanan ang mga ito na matuto sa kanilang karanasan.

“Semangat saja. Bisa lihat pengalaman di musim lalu, di mana Aura yang sebelumnya kesulitan untuk lolos, tetapi mereka bisa berkembang seperti saat ini,” sabi ni BTR Maxx sa ONE Esports.

(Tiwala lang. Mahalaga matuto tayo sa karanasan, gaya ng Aura Fire last season, hindi sila naka-qualify pero tignan niyo naman kung gaano na sila kalakas ngayon.)

“Pastinya tidak ada orang yang ingin terus berada di bawah. Semua orang pasti ingin improve,” dagdag niya.

(Siyempre walang gustong manatili sa ilalim. Lahat gusto mag-improve.)

Sa ngayon, pitong koponan na lang ang may tsansa pang makapasok sa MPL ID Season 9 playoffs.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ECHO, TNC at RSG PH sigurado na sa MPL PH S9 Playoffs matapos ang Week 6