Ang ating minamahal na Mobile Legends: Bang Bang poster girl ay magkakaroon ng isa sa pinakamagandang grand collector skin sa laro, ang Doom Catalyst Miya.

Napanatili ng Moonlight Archer ang kanyang signature na puting mahabang buhok na nakatali nang mataas, pero ang ibang bahagi ng kanyang katawan ay mukhang modern at modernated sa bagong skin na ‘to.

Ipinapakita sa istorya sa likod ng Doom Catalyst Miya ang pagwaksi niya sa isang misteryoso at hindi pinangalanan na kalabang siyudad, ayon sa Moonton. Ni-remake din ng game developers ang kanyang 3D model kapag kina-cast ang second skill at ultimate na karagdagang visual effects.


Preview ng Doom Catalyst Miya grand collector skin at ang mga skill effects nito

Badass ang datingan ng Doom Catalyst Miya sa black, red at off-white na mga kulay nito. Suot ang hapit na bodysuit, maiisip mo na lang kung gaano nito pinapalakas ang kanyang agility habang nagmamartsa sa labanan tangan ang kanyang pana.

May suot din siyang utility belt na kahalintulad kay Batman at isang high collared cropped bomber jacket na tila mula sa Zara. Kasama pa ang kanyang grey armored gloves, pinagmumukha siya ng mga ito na matinik at athletic na hero.

Kapag ginagamit ng Doom Catalyst Miya ang kanyang first skill na Moon Arrow, nagbibitaw siya ng mga palasong kumukinang na neon orange. Lumalabas ito mula sa kanyang malaki at nag-aapoy na pana na tatlong beses ang lapad sa kanyang katawan.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ang skill effect naman ng kanyang passive na Moon Blessing, na dinadagdagan ang kanyang attack speed nang 5% kapag nakakatama ng kalaban, ay mabisang nailagay sa tema ng Doom Catalyst Miya. Isang digital yellow gauge ang lumalabas sa itaas ng Marksman hero na nagbibigay ng impresyon na nagcha-charge sila ng baterya.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Kapag in-activate naman ang second skill niya na Arrow of Eclipse, gumagawa ito ng nakaka-stun na AOE bullseye na kulay light orange at may halong digital motifs pagbagsak sa lupa.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ang Doom Catalyst Miya ay mabibili sa in-game store simula ika-3 ng Setyembre.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at guides patungkol sa Mobile Legends.


Ito’y pagsasalin sa Filipino ng katha ni Amanda “Tania Mae” Tan ng ONE Esports.