Sinelyo ng defending champions ang unang savage sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 9.

Ginawa ito ni Calvin “CW” Winata, gold laner ng ONIC Esports, gamit ang Miya kontra Geek Fam. Sa tulong ng kanyang performance, napangibabawan ng kanyang koponan ang standings pagkatapos ang ikatlong linggo ng regular season.


Sulit ang surpresang pick na Miya ni CW para sa ONIC Esports

Miya ni CW, sinelyo ang unang savage sa MPL ID Season 9
Credit: ONE Esports ID

Lamang ng isang mapa kontra Geek Fam nang i-lock ng MPL ID Season 8 playoffs MVP ang Miya para tapatan sa second game ang Beatrix ni Bima Putra “Schwann” Sejati.

Nahirapan ang Miya ni CW sa early game dahil sa taas ng damage ng kanyang katapat at patuloy na pag-rotate ng Khufra ni Rupture sa gold lane.

Sa kabila nito, mas hayahay naman ang kanyang mga kakampi kaya’t nakapagtala ang ONIC Esports ng 8-1 kills lead sa ikalimang minuto ng bakbakan.

Sa kanila rin napunta ang Lord bandang 10-minute mark. Ginamit nila ang kalamangang ito para isa-isahin ang mga objective at ubusin ang mga tower ng kalaban.

Habang nasa loob ng base ng Geek Fam, nag-Flicker papasok si Nicky “Kiboyy” Fernando para mahuli sa Minoan Fury ang apat na miyembro ng kalaban. Sinundan ito ng Miya ni CW para maitala ang unang savage sa MPL ID Season 9 pati na rin ang 2-0 panalo.


ONIC Esports, pinangibabawan ang Week 3 ng MPL ID Season 9

Miya ni CW, sinelyo ang unang savage sa MPL ID Season 9
Credit: ONIC Esports

Nananatili sa tuktok ng standings ang defending champion nang may 4-1 win-loss record. Sinusundan sila ng Aura Fire at RRQ Hoshi.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Kelra itinala ang unang Savage sa MPL PH S9, itinuturing ang sarili bilang best Beatrix sa Pinas