Malapit nang lumabas ang March Starlight Perks ng Mobile Legends: Bang Bang, at kasama dito ang bagong Starlight skin para sa pinaka versatile na marksman sa Land of Dawn, ang Space Agent Beatrix.

Makakatanggap din ang mga sunscribers ng Beatrix Sacred Statue, Atlas Painted Skin, at isang nakakatuwang Space Agent emote tampok ang kanyang alagang putting aso na nakayakap sa manikang Beatrix. Ang mga members ay makakatanggap din ng sampung extra protection points sa talong ranked match at dagdag na weekly benefits.

Kung hindi mo naman trip ang skin para sa March, pwede ka ring mamili sa apat na nagdaang Starlight skins: Dictator Valir, Eastern Warrior Zilong, Dark Draconic Argus, at Street Blow Benedetta.

Preview ng Space Agent Beatrix Starlight skin

MLBB Space Agent Beatrix skin preview
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Hindi hot pink ang hairdo na makikita natin sa Space Agent Beatrix, sa halip ay blonde na buhok na kapareho ng ikli ng kanyang orihinal nyang hairstyle. Ang teddy bear na nakasabit sa kanyang belt sa kanyang original skin ay napalitan na rin ng isang cute na putting tuta.

Hindi tulad ng kanyang X Factor o Blitz Attack skins, mas mature ang itsura ng Space Agent. Dahil na rin siguro sa pag-explore nya sa space.

Mapapansin din ng mga MLBB players na ang kanyang white, blue, at yellow color palette ay katulad ng kay Operator CL Clint, ang Starlight skin noong January, na may kapansin-pansing neon blue skill effects. Hindi kaya magkasama sila sa misyon?

Panoorin ang buong skin trailer dito:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.