Gumugulong na ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang ang bagong starlight perks, at kasabay nito ang January Starlight skin para kay Clint na mababalikang isa sa mga pinakabigating marksmen ngayon.

Bukod dito, makakatanggap ka din ng Clint Sacred Statue, Hayabusa Painted Skin at Operator CL Clint battle emote na siguradong magpapapogi lalo sa karakter mo sa Land of Dawn.

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Kung hindi ang January Starlight skin na Operator CL Clint ang nais mo makuha, makakapamili ka parin ng skin na gusto mo mula sa huling limang Starlight skins na kinabibilangan ng Akazonae Samurai Akai, Candy Bear Jawhead, Deep Sea Rescuer Cyclops at ng Biological Weapon Hayabusa.


Preview ng January Starlight Skin na Operator CL Clint

Marami na ding skins ang bumagay kay Clint tulad ng Sun and Sand, Rock and Roll at Badminton Champion. Mistulang iba ang timpla ng cowboy sa Operator CL skin niya kung saan suot niya ang modernong combat postman attire. Bukod sa cobalt blue top at dark grey na vest, swabe ang cap na kumumpleto sa kaniyang preskong hitsura.

Hindi lamang sa overall look nag-iba ang marksman dahil kasabay ng bagong skin ang bago ring mga skill effects. Pinakapansin ang maangas na cybernated light blue particles na lumalabas kapag titirada siya ng skill.

Panoorin ang trailer ng January Starlight skin dito:

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends!

BASAHIN: Kumpletong listahan ng mga MLBB World Championship Winner