Namataan si Argus sa kauna-unahang pagkakataon sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8 nang laruin ito ni Echo Philippines star gold laner Benedict “Bennyqt” Gonzales sa kanilang 2-1 panalo kontra sa TNC Pro Team noong Linggo.

Hindi lang basta ginamit ni Bennyqt ang Dark Angel sa Game 1 ng serye kundi malupit niya itong nilaro kaya naman siya ang tinanghal na MVP.

Argus ni Bennyqt MVP sa Game 1
Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports PH

Paano nga ba nagawa ng Argus ni Bennyqt na magpakitang-gilas sa MPL PH?


Buff kay Argus sa Mobile Legends patch 1.6.18

Bago tayo pumunta sa build at gameplay ng Argus ni Bennyqt, narito muna ang maaaring dahilan kaya naging viable ang hero sa competitive play.

Nabiyayaan ng napakagandang buff ang Eternal Evil ultimate ni Argus sa kalalabas lamang na Mobile Legends patch 1.6.18. Ang skill na ito ay ginagawa siyang imortal nang ilang segundo at binibigyan siya ng HP depende sa damage na pinakawalan niya habang ito ay active.

Malaki ang binawas sa cooldown ng Eternal Evil at ‘di na siya tinatablan ng slow effects habang ginagamit ito. Bagamat nabawasan ng isang segundo ang duration nito, ‘di maikakaila na matindi ang impact ng mga ginawang buff.

Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports PH

Dahil sa pinababang cooldown ng Eternal Evil dagdag pa ang immunity sa slow effects, mas mapapadalas ang pagsama ng isang Argus sa mga team fight nang hindi nag-aalangang sumugod sa gitna.


Emblem at Battle Spell ng Argus ni Bennyqt

Pinili ni Bennyqt ang Assassin emblem na nagbibigay ng physical penetration, physical attack, crit chance, movement speed at cooldown reduction. Para naman sa talent, kinuha niya ang High and Dry para sa mas makati na damage kapag may nahihiwalay na kalaban.

Flicker naman ang pinili niyang battle spell para sa mobility. Ginamit niya itong pangtakas kapag natapos na ang kanyang Eternal Evil o kaya naman panghabol sa isang partikular na target hero.


Item build ng Argus ni Bennyqt

  • Boots
  • Blade of Despair
  • Swift Boots (Boots upgrade)
  • Demon Hunter Sword
  • Berserker’s Fury
  • Windtalker

Kung titignan ang draft ng Echo sa larong ito, malinaw na si Bennyqt ang main damage dealer nila kaya naman nag-focus siya sa pagbuo ng mga item na nagbibigay ng malaking damage at attack speed. Hindi na siya kumuha ng defensive items dahil sapat naman ang sustain mula sa Rafaela nila habang ang jungle Baxia, Thamuz at Grock naman ang nagsilbing frontliners sa mga clash.

Ang mga attack speed item na Swift Boots, Demon Hunter Sword at Windtalker ay swak para sa kanyang Warmonger passive (enhanced basic attack at HP restoration) maging sa Eternal Evil ultimate.


Argus gameplay ni Bennyqt

Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports PH

Sinigurado ng Echo na magiging madali ang buhay ni Bennyqt sa gold lane kaya naman nag-babysit ang Rafaela ni Rion “Rk3” Kudo sa kanya at nagsagawa rin ang koponan ng maagang rotations sa kanyang lane. Na-secure niya ang gold mula sa lahat ng special siege minions at nakakuha ng ilang bonus gold mula sa energy shield ng tier-1 turret bago nila ito tuluyang pabagsakin matapos ang tagumpay sa isang team fight. Nakatanggap din siya ng gold mula sa turtle takedowns ni Mark “Hadess” Lazaro na gumamit ng jungle Baxia.

Dahil sa naipundar sa early game, agad na nakabili si Bennyqt ng Blade of Despair sabay upgrade ng kanyang Boots.

Pagdating sa mid to late game, sumasama na ang 20-year-old pro sa mga clash at nakakapitas ng mga kalaban. Bagamat malaki ang kanilang kalamangan, naging maingat pa rin siya at hindi basta-basta pumapasok sa mga team fight kapag wala siyang ulti.

Isang beses lang napatay ang Argus ni Bennyqt kaya naman nagtuloy-tuloy ang pag-snowball niya para buhatin ang Echo tungo sa panalo at mabigyan ng matagumpay na debut ang Dark Angel sa MPL Philippines Season 8.


Para sa mga istorya tungkol sa liga, bisitahin ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.