Isa si Miya sa mga pinaka-unang hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Nariyan na siya simula pa noong unang ilabas ang laro, pero sa kabila nito, hindi kasing epektibo ang naturang marksman pagdating sa professional scene.
Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na walang nang saysay si Miya dahil kaya rin nito maging malakas lalo na sa kamay ng mahusay na player.
Pinatunayan ito kamakailan ni Muhammad “Lemon” Ikhsan ng RRQ Hoshi. Kilala ang tanyag na player sa kanyang hilig sa paggamit ng non-meta heroes.
Sa tulong ng sumusunod na Miya item build, napalabas ni RRQ Lemon ang tunay na potensyal ng marksman.
Miya item build ni RRQ Lemon

Swift Boots ang unang item na binili ni Lemon. Nakatutulong ito sa early game lalo na’t walang mobility skill si Miya bukod sa kanyang ultimate.
Napapabilis din ng attack speed bonus na binibigay nito ang pag-farm ng hero sa simula ng laban. Tandaan na ang mga marksman hero gaya ni Miya ay sumasalalay sa mabisang pag-farm para maging epektibo sa laro.

Sinunod ni Lemon ang Windtalker na nagbibigay ng 40% attack speed, 10% crit chance, at 20 movement speed. Lahat ng ito ay higit na makatutulong kay Miya na ang pangunahing pinagkukunan ng damage ay basic attack.
Napapalakas din ng Typhoon, ang passive effect ng item na nagbibgiay ng 150-363 damage sa tatlong kalaban kada 5-3 segundo, hindi lang ang kakayahan ni Miya na mag-farm, kung hindi pati na rin ang kanyang damage sa team fight.

ipinagpatuloy ni Lemon ang kanyang Miya item build gamit ang Berserker’s Fury. Pinapataas nito ang physical attack at critical chance ng hero.
Sinunod ng RRQ player ang Scarlet Phantom. gaya ng Berserker’s Fury, nagbibigay ito ng dagdag physical attack at critical chance, bukod pa sa dagdag attack speed.

Bagay din ang passive effect nito na Frenzy sa Miya item build na ‘to dahil pinapataas nito ang attack speed at crit chance tuwing nakakapag-crit ang hero.
Malefic Roar naman ang ikalimang item na binili ni RRQ Lemon. Sakto ito sa late game para makatagos ang damage sa depensa ng kalaban sa tulong ng physical penetration na binibigay ng item.

Haa’s Claws ang pinakahuling binili ni RRQ lemon sa kanyang Miya item build. Bukod kasi sa binibigay nitong 70 physical attack, may 20% physical lifesteal din ito na nagpapatagal sa buhay ng hero pag dating sa bakbakan.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.