Matapos kapusin sa M3 World Championship noong nakaraan, ibabandera muli ng RRQ Hoshi ang isa sa mga pinakatanyag at beteranong players sa larangan upang subukang ibalik ang ningning ng kanilang pangalan.

Si Muhammad “Lemon” Ikhsan na nagpahinga muna noong MPL ID Season 8 ay isusuot muli ang RRQ uniform sa pagbubukas ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia  Season 9 (MPL ID Season 9).


Anunsyo tungkol sa pagbabalik ni Lemon sa RRQ Hoshi roster para sa MPL ID Season 9

Credit: Team RRQ

Inilahad ng koponan ang kanilang bagong lineup sa kanilang opisyal na YouTube page kung saan itinampok si Lemon kasama ng mga bagong mukha mula sa RRQ Sena.

Bukod kay Lemon, bida rin sa nasabing RRQ Hoshi roster ang ilan sa mga standouts ng RRQ Sena na Mobile Legends: Bang Bang Development League ng koponan. Sasabak para sa tinaguriang Kings of Kings sa MPL ID Season 9 sina Violence, Yummu at Aether.

Sasamahan ng tatlong rookies ang mga beteranong sina Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar, Schevenko David “Skylarr” Tendean, Rivaldi “R7” Fatah, Calvin “Vynnn”, Deden Muhammad “Clayyy” Nurhasan, at Teguh Imam “Psychoo” Firdaus.

Xinnn hindi muna sasabak para sa RRQ Hoshi ngayong Season 9

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Si Xinnn, isa sa mga mainstays ng RRQ na kasama na ng team mula MPL ID Season 3 ay magpapahinga muna ngayong season.

Base sa kaniyang huling pahayag matapos ang M3 World Championship, susubukan muna daw ng RRQ Hoshi star goldlaner na bigyan ng oras ang kaniyang pamilya.


Kumpletong RRQ Hoshi roster para sa MPL ID Season 9

PLAYERROLE
Rivaldi “R7” FatahEXP lane
Deden Muhammad “Clayyy” NurhasanMid lane
Teguh Imam “Psychoo” FirdausMid lane
Albert Neilsen “Alberttt” IskandarJungler
Calvin “Vynnn”Roamer
Muhammad “Lemon” IkhsanAll role
Schevenko David “Skylarr” TendeanGold lane
Jason Keane “Aether” ZefanyaJungler
Riko “Violence” Roamer
Edi “Yummy” SusantoEXP lane

Sundan sa Facebook page ang ONE Esports Philippines para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: RRQ Hoshi sisimulan ang preparasyon para sa M4 sa MPL Indonesia Season 9