Nagawa ni ONIC Esports gold laner Calvin “CW” Winata na makapasok sa Indonesian MLBB national team para sa darating na 2021 Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.
Isa si ONIC CW sa tatlong manlalaro ng ONIC ID na nakapasok sa MLBB national squad ng Indonesia na nagtatampok ng pitong star players mula sa MPL Indonesia.
Pasok din ang mga kakampi niyang sina Gilang “SANZ” at Nicky “Kiboy” Fernando maging sila Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar, Rivaldi “R7” Fatah at Calvin “Vynnn” ng RRQ Hoshi, at Ihsan “Luminaire” Besari Kusudana ng EVOS Legends.
Sa pitong players na ‘to, ang pagkakapasok ni ONIC CW sa roster ng national squad ang pinaka-nakakaintriga dahil mukhang wala siyang kakumpetensiya sa gold laner position. Bagamat pwedeng ilagay si SANZ, si CW pa rin ang swak para sa role.
Dahil dito, malaki ang tsansa na siya ang lagi siyang kabilang sa first five ng koponan sa pinakamalaking sporting event sa Southeast Asia ngayong taon.
Coach Aldo inilahad ang ilang dahilan kung bakit kinuha si ONIC CW para sa Indonesian MLBB national squad

Matapos ang kanilang serye kontra Bigetron Alpha sa Week 4 ng MPL ID Season 9, nakapanayam ng ONE Esports si ONIC Esports strategic coach Ronaldo”Aldo” Aditya Lieberth, na bahagi rin ng Indonesian MLBB national team coaching staff.
Ayon kay Aldo, ipinasok si ONIC CW sa national team roster dahil sa ilan niyang mga kalakasan gaya na lang ng kanyang malawak na hero pool.
“Kalau menurut saya, CW punya hero pool yang sudah pasti. Dia bisa bermain Mage, Marksman, bisa dibilang megang Fighter juga (di pos gold laner),” sabi ni Aldo. (Sa aking opinyon, nakapasok si CW dahil malaki ang hero pool niya. Kaya niyang maglaro ng mage, marksman at posible rin fighter sa gold lane.)
“Selain itu CW juga merupakan seorang shotcaller di tim kami (ONIC). Jadi dia memiliki makro yang bisa dibilang cukup tinggi,” dagdag pa niya. (Bukod pa doon, si CW ang shotcaller namin sa ONIC. Kaya naman mayroon siyang macro skill na pwede nating masabi na mataas.)
Pinatunayan na ni CW ang kanyang kalibre bilang isa sa pinakamagagaling na manlalaro sa Indonesian MLBB scene. Malaki ang ginampanan niya sa championship run ng ONIC Esports sa MPL Indonesia Season 8 at sa dulo ay nasungkit niya rin ang Finals MVP sa liga.
Basahin ang artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.