Mukhang on-site buff is real nga talaga para sa Smart Omega matapos nilang patumbahin ang karibal na Nexplay EVOS, 2-1, upang ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9 nitong Sabado ng gabi.

Inamin ng beteranong captain-support na si Patrick “E2MAX” Caidic sa panayam pagkatapos ng hype match na iba ang enerhiyang binibigay ng offline setup sa tinaguriang “Comecback Kings” ng liga.


Mas exciting makaharap ang kalaban nang live sa MPL PH, ayon kay E2MAX ng Smart Omega

E2MAX ng Smart Omega sinisagawan ang kampo ng Nexplay EVOS
Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Tila mas malakas nga ang Smart Omega pagdating ng offline setting sa Week 3 ng MPL PH Season 9. Matapos kasing mabokya sa unang dalawang linggo, sinelyo ng kasalukuyang MSC champs ang kanilang unang panalo sa pamamagitan ng isang kapana-panabik na 2-1 comeback victory laban sa M3 runner-up na ONIC PH nitong Biyernes ng gabi bago padapain ang Nexplay EVOS.

“Syempre parang mas exciting ‘yung kalaban since nandyan lang sa harapan mo pwede mong sigaw-sigawan,” sabi ni E2MAX ng Smart Omega nang may halong tawa.

“Caught in 4K” at dinig din sa livestsream ang angasan at bangayan ng magkabilang koponan sa bawat madudugong clash, malulupit na plays at winning moments sa serye.

Para sa Omega at NXPE, tila normal na lang ang mga ganitong eksena.

“Parang nasa history na kaya kumbaga nasimulan na nang ganun kaya tuloy-tuloy na hanggang sa (amin). Kahit sa mga susunod na season basta magkaharap ‘yung NXPE at kami laging ganun,” ani ng 25-year-old pro na tubong Valenzuela.

Pero paglilinaw ni E2MAX ng Smart Omega, lahat ng iyon ay friendly banter lang na pampagana sa parehong koponan.

“Dahil lang naman ‘yun kay Dogie (NXPE coach Setsuna “AkosiDogie” Ignacio) ‘tska kay Billy (OMG gold laner Billy “Z4pnu” Alfonso) dahil sila ‘yung nangungunang mag-trashtalkan talaga kaya pati ‘yung team nagta-trashtalkan na rin pero magkakaibigan naman kami, friendly trashtalk lang.”

Muling magsasalpukan ang Smart Omega at Nexplay EVOS sa Week 7 Day 2 ng MPL PH Season 9 sa ika-2 ng Abril at inaasahang mas malakas na kantyawan ang masasaksihan mula sa dalawang koponan.

Para sa karagdagang balita at istorya patungkol sa MPL Philippines at MLBB sa kabuuan, bisitahin ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.