Lumabas na mas mabisa ang kamandag na karga ng Smart Omega na kinailangan lamang ng tatlong laro sa Lower Bracket Seminfals para tuldukan ang kampanya ng Falcon Esports sa MSC 2022. Bagamat malaking momentum ang naidulot ng panalo para sa team, hindi pa raw ito ang panahon magdiwang ani ng kapitan ng team na si Patrick “E2MAX” Caidic.


E2MAX: ‘Gutom na gutom talaga kami ngayon

Credit: MSC

Sa post-match interview kasama si Mara Aquino, nagbigay ng ilang paliwanag ang pro tungkol sa dinamiko ng kanilang play sa naturang match, gayundin ang mindset ng team na ikinasa ang All-Filipino finals sa lower bracket.

Sa tanong kung bakit tahimik at kalmado lamang siya matapos ang sweep, inamin ni E2MAX na marami pang dapat gawin ang Smart Omega bago tuluyang magdiwang. “Kasi hindi kami puwedeng mag-celebrate sa mga ganoong klaseng win kung hindi pa yun yung championship match kaya pokus pa rin kami dun sa goal,” sabi ng kapitan.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Bagamat paborito ang koponan na umabante at makaharap ang mga katukayong RSG Philippines sa susunod na serye ay inamin ng beterano na nakasentro ang kanilang mindset sa matchup kontra Falcon, na isa rin sa mga koponang inaasahan na makarating sa grand finals.

“Lage naming inisiip na kung ano lang yung kalaban namen, yun lang iniisip. Wala kaming iniisip na advance. Kung ano lang yung present, dun yun lang kame.”

Inilahad din ni E2MAX kung ano ang naging usapan nila ng RSG PH bago makaharap ang bigating RRQ Hoshi sa upper bracket finals kanina. “Sinabe namen na ipanalo nila para magtuloy pa rin  yung ano, consistent pa na PH to PH yung goal.”

Credit: MSC

Sinigurado ng kapitan na magiging kaabang-abang ang kanilang laban ng kapwa Pinoy team. “Pero sobrang lakas ng RSG alam naming babawi sila pero bibigyan namen kayo ng magandang laban  kasi gutom na gutom talaga kami ngayon.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: R7 at Alberttt ng RRQ Hoshi, pinuri ang RSG PH players