Nakakasa na ang bakbakan sa pagitan ng top two teams na ECHO at RSG Philippines sa Week 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH Season 9).

Hindi na makapaghintay ang fans sa magaganap na tapatan ng teams na parehong undefeated ngayong season, partikular na ang magaganap na showdown ng superstar junglers na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno at Jonard “Demonkite” Caranto.

Kaya bago humantong ang ECHO vs RSG PH showdown ngayong linggo, suriin natin ang statistics ng dalawang koponan ng sa gayon ay magkaroon tayo ng ideya kung paano gugulong ang inaantabayanang star matchup.


ECHO vs RSG PH statistics matapos ang Week 2

ECHORSH PH
S9 Win Rate(Game)88.89%100%
History win/lose with each other (Since S8) (Games won by each team)33
First Blood Count85
Team Damage/Min1200910869
KDA Average7.438.24
Ave. Kills/Game15.1114.33
Lords Slain/Game1.442
Turles Slain/Game1.672.33

Patas ang record ng ECHO at RSG PH noong Season 8

Kung babalikan ang ECHO vs RSG PH matchup noong nakaraang season, tabla ang score ng dalawang teams na may tigatlong panalo kontra sa isa’t-isa. Gayunpaman, hindi maitatago na maraming pinagkaiba sa bersyon ng teams ngayon kung ikukumpara sa kanilang mga sarili noong Season 8.

Malaki ang pinagbago ng teams sa kanilang roster gayundin sa skill level, partikular na ang koponan ni Coach Michael “Arcadia” Bocado na kinatatampukan ngayon ng mga bigating pangalan tulad nina KarlTzy, Tristan “Yawi” Cabrera at ni Frediemar “3MarTzy” Serafico.

Hindi mapigilan ang tinaguriang “Super Team” ng MPL PH Season 9 na sinagasaan ang lahat ng teams na nakatapat papunta sa malinis na 4-0 record at solo first sa standings.

Credit: MPL Philippines

Sa kabilang banda, hindi rin maitatanggi na malaki ang kumpiyansang dala ngayon ni Demonkite na patuloy na itinatatak ang kaniyang pangalan bilang best jungler sa liga, katuwang pa nina Eman ‘EMANN’ Sangco at Dylan “Light” Catipon na nagpapabilib rin ngayong S9 para sa koponan ni Coach Brian “Panda” Lim.

Isa-isang winalis ng RSG PH ang lahat ng nakabangga sa unang dalawang linggo ng season papunta sa 3-0 record at close second sa ECHO.

Malaki ang implikasyon ng resulta ng unang bakbakan ng dalawang teams ngayong season dahil bukod sa pagkalas sa 3-3 deadlock ay maaaring mabulabog ang rankings ng mga teams pagdako ng gitna ng season.


Kill potential kontra objective-taking ang kuwento ng ECHO vs RSG PH

Patas man kung titignan, malaki ang kaibahan ng teams sa kanilang atake lalo na kung susuriin ang stats. Sa larangan ng first blood Count, team damage/min at Average kills/game, makikitang lamado ang koponan ni Coach Arcadia sa ECHO vs RSG PH matchup.

Dala na rin ito ng agresibong maniobra ng kaniyang players, partikular na si Yawi kapag hinahawakan ang kaniyang Chou at KarlTzy sa kaniyang mala-alamat na Lancelot. Muli’t-muling pinapanis ng ECHO ang mga kalaban sa early game para bigyang-daan ang kanilang snowball.

Mas balanse naman ang atake ng RSG PH kung ikukumpara sa kanilang makakatapat ngayong Week 3. Objective-taking ang approach ng koponan ni Coach Panda na lamang naman sa lords slain/game at turtles slain/game. Mas mataas din ang KDA average ng koponan na maaaring maiugnay sa gilas ng team sa pagkuha ng mga team fights.

Credit: MPL Philippines

Gugulong ang ECHO vs RSG PH matchup sa Day 2 ng Week 3 bakbakan sa MPL PH Season 9. Mapapanood ng live ang matches sa Facebook, YouTube at Tiktok.

Sundan ang pinakahuling balita tungkil sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-sunod sa ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Isang malupit na throwback ang Johnson at Kadita combo ng ECHO sa MPL PH S9