Matapos ang halimaw na performance sa gumulong na MPL Philippines Season 10 Grand Finals, hindi maikakaila na ang Blacklist International EXP laner na si Edward “EDWARD” Dapadap ang karapat-dapat na hirangin bilang Most Valuable Player ng serye.

Pambihirang pressure sa sidelanes at matatalinong isolation plays sa back lines ang muli’t-muling ipinukol ni EDWARD kontra ECHO hawak ang matikas niyang Uranus at Paquito picks. Ngunit pinaka-nagpamangha ang tubong-Bataan sa kaniyang signature Benedetta na sinandalan ng Blacklist para makalawit ang krusyal na game four, na kalaunan ay bumaling sa ihip ng momentum para sa kaniyang hanay.

Credit: MPL Philippines

Gayunpaman, inamin ng ngayon ay 2-time Finals MVP sa post-match press conference na may mas karadapat-dapat na makakuha ng indibidwal na gantimpala.


EDWARD sinabing si Wise ang karapat-dapat na Finals MVP

Credit: MPL Philippines

Maigsi ngunit malaman ang sagot ni EDWARD ng tangunin siya ng media tungkol sa nararamdaman niya matapos makuha ang ikalawa niyang Finals MVP award. “Sobrang saya kasi ‘di ko naman talaga ineexpect ‘to e,” banggit ng 18-anyos na pro.

Ngunit kung siya daw ang tatanungin, ang Blacklist jungler na si Danerie “Wise” Del Rosario daw ang dapat na nakatanggap ng indibidwal na gantimpala.

Kuwento pa niya, “Ayun, for me MVP talaga si Wise e kasi siya yung nag-suggest ng Benedetta pick, na-execute ko lang naman. Ayun, nag tuluy-tuloy na.”

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Magnipikong 5/1/8 KDA ang inilista ni Agent Zero sa ika-apat na mapa para pabagain ang makinarya ng Blacklist papunta sa 2-2 deadlock.

Matapos ang kamangha-manghang performance, binalikan din ng Esports athlete kung paano dumaloy ang kaniyang karera sa Mobile Legends pro play.

“Actually hindi (ko inexpect) kasi ang baba ng tingin ko dati, ang baba ng tingin ko sa sarili ko nung Season Five. Parang ano ‘di ko kayang mag-champion ganun pero nung nag-switch role ako mas may na-feel akong kakaiba ganun.”

Si EDWARD ang pinaka-unang player sa liga na nakakuha ng dalawang Finals MVP gantimpala. Unang nakalawit ito ng EXP laner sa MPL PH Season 7 kung saan ang Benedetta rin niya ang naging sentro ng atake ng Blacklist.

Credit: EDWARD

Manatiling nakatutok sa mga kuwento tungkol sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: OhMyV33NUS inilahad ang krusyal na call para makuha ang Game 4 sa Grand Finals: ‘Si Wise lang yung nakakita’