Hinirang na Finals Most Valuable Player si Eman “EMANN” Sangco matapos tulungan ang kaniyang RSG Philippines na maiuwi ang tropeyo ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) sa Kuala Lumpur noong June 19.

Ito ay karugtong ng kaniyang mala-halimaw na performances mula Group Stages patungo sa playoffs kung saan hinirang siya bilang MVP of the Game ng siyam na ulit sa 23 games na nilaro.

Credit: MSC

Bukod dito, inilista din ng 17-anyos na pro ang league-best 5.09 kills per game average para suportahan ang kaniyang pagka-endorso bilang best player ng torneo.


EMANN: Malalakas lang talaga ang gold laners sa Pinas

Screesnshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa pagkapanalo ni EMANN ng MVP gantimpala sa MSC, makakasama na siya sa listahan ng Pinoy gold laners na may MVP award sa international stage. Makakatuwang ng tubong Surallah, South Cotabato ang magkaribal na sina Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega at Kiel Calvin “OHEB” Soriano ng Blacklist.

Mababalikan na susi si Kelra sa panlalason ng dating Execration team papunta sa MSC 2021 tropeyo. Samantala, ang “Filipino Sniper” namang si OHEB ang kumamada para sa Blacklist para ipanalo ang M3 World Championship.

Credit: MSC

Ng tanungin ng media sa post-game press conference tungkol sa maikling listahan na ngayon ay kinabibilangan na niya, maigsi ngunit makatotohanan ang sagot ni EMANN. “Siguro lahat ng gold laners sa Pilipinas, malalakas lang [talaga].”

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Nauna ng ipahayag ng RSG PH gold laner ang pakiramdam na makuha ang parangal sa panayam kasama si Mara Aquino. “Masaya kasi bumawi kami sa RRQ tapos binigyan namin sila ng magandang laban. Tiyaka nagpapasalamat ako sa mga kampe ko, dahil kung wala sila, wala ako dito,” aniya.

Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ling ni Demonkite pinuri ni Alberttt matapos itong makaharap sa MSC 2022