Ikinakabit sa pangalan ni RRQ Hoshi jungler Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar ang hero na si Ling pagdating sa Indonesian MLBB pro scene. Nang laruin ni RSG PH jungler Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto ang naturang assassin, binigyan niya ito ng assessment.

Lumabas ang Ling ni Demonkite sa Game 1 ng bakbakang RSG PH at RRQ Hoshi sa upper bracket finals ng Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) 2022.

Bagamat nanaig ang MPL ID champions kontra MPL PH kings sa kill score na 18-14 nasabing laro, tumatak kay Alberttt ang pinakitang performance ni Demonkite.


Pinuri ni Alberttt ang Ling ni Demonkite

Credit: ONE Esports

Lagpas sa kalahati ng kills ng RSG PH ang itinala ni Demonkite sa kanyang Ling sa Game 1 matapos niyang tumikada ng 9/1/2 KDA. Siya rin ang pangunahing dahilan kaya nahirapan ang RRQ Hoshi na iselyo ang panalo.

Kaya naman pagkatapos ng serye, si Alberttt, na itinuturing bilang isa sa pinakamagagaling na Ling user sa mundo, ay binigyang-papuri ang Pinoy jungler.

“(Nilainya) sembilan lah. Soalnya kami juga sempat melawan Demonkite dan RSG PH di beberapa scrim. Saya tahu dia memang bisa bermain Ling dan permainannya juga hebat,” wika ni Alberttt.

(Ang score niya ay nine. Nakakalaban namin sila Demonkite at RSG PH sa ilang scrims. At alam kong kaya niyang maglaro ng Ling at mahusay siya dito.)

Demonkite
Credit: ONE Esports

Nanalo ang RRQ Hoshi sa upper bracket finals sa iskor na 3-1. Ngunit mariing bumawi ang RSG PH sa grand finals at winalis ang tinaguriang “King of kings” ng Indonesia, 4-0, para masungkit ang MSC 2022 trophy.

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa Mobile Legends.


Hango ito sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.