Matapos ang limang seasons na paglahok sa MDL Indonesia, nakamit na ng EVOS Icon ang kanilang unang kampeonato sa likod ng pambihirang galaw ni Falah na itinanghal na Finals MVP. 

Credit: MDL ID

Mistulang itinadhana ang bakbakan sa MDL ID Season 5 Grand Finals kung saan nagharap muli ang EVOS at ang Alter Ego X. Kung pinataob sila ng AE sa 1-3 score sa grand finals noong nakaraang season ay gayundin ang isinukli ng koponan ni Falah na itinumba ang kanilang karibal sa parehong score.

Hindi nagpatumpik-tumpik ang EVOS na kinuha ang unang dalawang laro ng serye para ilibing ang kalabang team sa 2-0 bangin. Gayunpaman, bigo ang koponan na maisara ang serye sa ikatlong mapa.

Inamin naman ng team jungler na si Tazz DD na may pagkukulang sa kaniyang laro kung kaya’t hindi nakuha na ng koponan ang inasam na sweep sa finals. “His brain is lagging,” ani ng core bago pabirong ituro ang kaniyang sarili.

Credit: MDL

Hindi na nagpabaya ang Icon sa game 4 na binaon ang Alter Ego sa simula’t-sapul para tuldukan ang serye at iuwi ang korona ng MDL. Kasama ng kanilang unang title, nakatanggap din ng tumatanginting na Rp75 Million (o humigit-kumulang na PhP 270,000)  ang EVOS Icon.


Dinala ni Falah ang EVOS Icon sa Finals at hinirang na Finals MVP

Credit: MDL

Matapos ang dominasyong ipinakita ng amature team ng White Tigers, hinirang na MVP ng Grand Finals si Falah. Bukod sa pagpapatunay nito ng kaniyang husay sa Land of Dawn ay isa rin itong confidence-booster matapos matanggal sa EVOS Legends roster para sa MPL ID Season 9.

Sa kaniyang saglit na pamamalagi sa main lineup, si Falah ang nag-iisang player na hindi nakalaro sa koponan ni Coach Zeys, bago papuntahin sa EVOS Icon roster bilang pamalit kay Wann sa Week 6 ng naturang MPL season.

Credit: EVOS Esports

Ngayong naipakita na ni Falah ang dekalidad niyang laro sa MDL ID Season 5, nanatiling payak ang nais na mangyari ng Finals MVP.

“For the future, there is definitely (hope) MDL can have even bigger tournaments and be more competitive. As for next season’s target, I hope to join the MPL (team), “banggit niya matapos ang serye.

Wala pang komento ang EVOS Legends kung kukuhanin nila pabalik ng main lineup para sa MPL ID Season 10 ang esports player (na dating may IGN na Rhapsody).

Alamin ang pinakahuli sa MLBB Esports sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Heto raw ang pinakamahalagang aral na napulot ng Rebellion Zion sa MPL ID S9