Wala pang opisyal na anunsyo ang EVOS Legends tungkol sa roster na isasalang nila sa paparating na MPL Indonesia Season 10. Gayunpaman, marami ng naganap na pagbabago sa offseason at patuloy na umiingay ang mga haka-haka tungkol sa mga susunod pang pagbabago na gugulong.

Para sa long-time EXP laner ng team na si Antimage, nais daw ng org na magkaroon ng major overhaul sa roster nito. Inilahad ito ng veteran sa Empetalk podcast ni Jonathan Liandi kung saan nagbigay pa siya ng komento tungkol sa roles na gagampanan ng kaniyang teammates.

Credit: MPL ID

“In my opinion, EVOS wants to do a major overhaul. Very large! It is like saying that (this is a) house, it is no longer renovated but destroyed along with its foundation and rebuilt,” aniya.

Malaking pahiwatig ito na bukod sa mga players na kumalas na sa team ay pati ang players na nagsilbing haligi sa koponan ay may tiyansang sumibat na din.


Inilahad ni Antimage ang kaniyang prediction sa isasalang ng EVOS Legends sa MPL ID S10

Credit: ONE Esports

Agad na napukaw ang atensyo ng mga fans at mismong si Liandi matapos sabihin ito ng EVOS Legends star. Kaya, minarapat ng host na alamin ang prediction ni Antimage tungkol sa roster na maaaring isabak ng White Tigers sa pagbubukas ng Season 10 ng MPL ID.

“I think Clover is in the gold lane. Jungler is Tazz DD or Ferxiic. The (opportunity) of these two players is 50-50 because they are both good and (the opportunity) in scrim is also the same (even). As for the Tank, DreamS or a new player,” tantiya ni Antimage.

Naniniwala daw ang bantog na EXP laner na sasalang sa roster ng team sina Clover, Ferxiic at Cr1te. . “I really believe in this prediction,” segunda niya.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: EVOS Legends ni-recruit ang isa sa pinakamalakas na EXP laner mula sa MPL PH