Mainit ngayon sa Mobile Legends eksena sa Indonesia ang usapin tungkol sa paglisan ni Antimage mula EVOS Legends

Sa dalawang taon kasama ang team, tinulungan ng MLBB superstar ang koponan na makuha ang prestihiyosong MPL ID kampeonato kung kaya’t isa siya sa pinakamalalaking pangalan sa mundo ng MLBB sa rehiyon.

Kahit pa ganoon ay hindi ligtas ang pro sa tila ay major overhaul na nagaganap ngayon sa roster ng White Tigers. Kamakailan ay inanunsyo na hindi sasalang sa MPL ID S10 roster ng team si Antimage katuwang ang kapwa prominenteng pro na si LJ.

Nauna ng pinakawalan ang Legends at Icons players na sina Rexxy, Zoeybit, Rich, at Irish. Kasunod nito, inilahad din ang paglisan nina Chakim, Darkness, Panzer, Ravicy, at Wyvor, bago ilabas ang balita tungkol kina Antimage.

Credit: EVOS Legends

Hindi itinago ni Antimage ang kaniyang saloobin tungkol dito. Sa Empetalk podcast ni Jonathan Liandi, nilinaw ng dating EVOS star ang posisyon niya sa nagaganap sa team “In my opinion, EVOS wants to do a major overhaul. Very large! It’s like saying that (this is a) house, it’s no longer renovated but destroyed along with its foundations and rebuilt.”


Mahirap daw ang sitwasyon ng EVOS Legends ani ni Marsha

Credit: Steven Kurniawann

Patuloy ang pag-ugong ng balita tungkol sa pag-alis ni Antimage sa active roster ng EVOS Legends, at pati ilan sa pinakamalalaking pangalan sa eksena ay nagsasalita na din tungkol dito.

Pangunahin sa mga ito ang dating MLBB legend at GPX executive na si Marsha. Aniya, mas mahirap daw ang stiwasyon ng esports teams sa Indonesia dahil sa pagsasara ng Nimo streaming platform na direktang nakaapekto sa pro players sa bansa.

“EVOS is not bad, now the situation is a bit difficult to pay expensive players because the revenue that the esports team gets is not in accordance with the amount of the salary. The closing of Nimo also has a big impact on players,” banggit ni Marsha sa kaniyang livestream.

https://www.tiktok.com/@gilangqtttt/video/7123785548354817307?referer_url=https%3A%2F%2Fwww.oneesports.id%2F&referer_video_id=7123785548354817307&refer=embed&referer_url=https://www.oneesports.id/mobile-legends/marsha-evos-lepas-antimage/

Kung ang isang malaking organisasyon tulad ng EVOS ay naapektuhan dito, ganito rin ba ang aasahan para sa ibang organizations na kalahok sa MPL?

Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Coach Zeys sinabing may sorpresang baon ang MPL ID S10 roster reveal ng EVOS Legends