Nasa tugatog ng regular season standings ng MPL Indonesia Season 10 ang EVOS Legends sa kasalukuyan. Matapos magapi ng Aura Fire sa opening week ay nag-init ang White Tigers na bumawi ng 3 sunod na panalo para ilista ang 4-1 win-loss kartada.

Bukod sa training regimen, malaking tulong ang ilang patakarang ipinapatupad ng koponan sa kanilang mga players para mapanatiling nakapokus sa mga bakbakang kinabibilangan. Partikular sa mga ito ang pagbabawal sa mga batang players ng EVOS sa paggamit ng social media platforms gaya ng Instagram at Tiktok.

Ngunit kamakailan ay nilinaw ng dating players ng team na hindi eksklusibo sa mga batang pro ang batas na ito. Ayon kay Luminaire at Wann, hindi rin daw pinapayagan humawak ng selpon kahit ang mga beterano pagkatapos ng 12-hour scrims.

“For EVOS Legends, if you always scrim, you won’t be able to get your phone. Can’t open Instagram or Tiktok like that. You will be fined,” ani ni Wann sa kaniyang live stream.

https://youtu.be/90YinEGyU28

Banggit naman ni Luminaire, kawangis daw ito ng ginagawang training regimen sa mga players ng Dota 2 team na PSG.LGD  sa China.


No Social Media at No Phone rule ng PSG LGD sinusundan nga ba ng EVOS Legends?

Credit: EVOS TV

Mababalikan na naging viral sa esports media noon ang training regimen ng Chinese team na PSG. LGD bago gumulong ang The International 9 noong 2019.

Nabalita na nilimitahan ang PSD. LGD players na hawakan ang kanilang mobile phones kapag weekdays, lalo pa’t gumugulong ang kanilang training simula Lunes hanggang Sabado ng linggo. Bukod dito, kinakailangan din na i-delete nila ang lahat ng chat applications at social media platforms sa kanilang computers.

Maaari lamang na mahawakan ng players ang kanilang mobile phones sa weekend, at sa weekdays naman ay pinapayagan lamang sila magamit ito sa loob ng 30-minutos kada araw. Kung lalabag sa batas na ito ay papatawan ng multa ang mahuhuling player.

Credit: Valve

Malaki ang naitulong nito sa kampanya ng koponan noong TI9. Bagamat hindi nakalawit ang inaasam na kampeonato ay nakuha nila ang third place finish.

Hindi pa kumpirmado kung ipinapatupad na ang ganitong uri ng batas sa hanay ng EVOS Legends, ngunit kung totoo man ay siguradong magkakaroon ito ng epekto sa kanilang mga players.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: 3 rason kung bakit mahihirapang bumalik si Ferxiic sa MPL ID S10 dahil kay EVOS Sutsujin