Maraming atensyon ang tumutok kay EVOS Sutsujin sa ikalawang linggo ng MPL ID S10, dahil nagawa niyang magawa ang inaasahan sa kanya ng EVOS Fam nitong mga nakaraang araw.

Nasurpresa si Arthur “Sutsujin” Sunarkho nang malipat siya mula EVOS Icon papuntang EVOS Legends. Siya ang pumalit kay Ferxiic na nalipat naman sa MDL, isang desisyon na puno ng pinagdedebatehang pros at cons.

EVOS Icon MDL S6
Credit: MDL

Maganda naman talaga ang ipinakitang performance ni Sutsujin mula pa noong nagsimula siya sa EVOS Icon. Katangi-tangi ang kanyang mechanics at macros sa buong dalawang linggong paglalaro sa MDL na nagdala sa Icon ng sunod-sunod na sweep 2-0 sa kanilang mga laban. Tanging sa GPX lang nakatikim ng talo si Sutsujin, isa itong dikit na laban na nagresulta sa 2-1.

EVOS Sutsujin naging swabe ang pagsisimula sa EVOS Legends

Noong Sabado, August 20, ay nakaharap ng EVOS Legends ang Geek Fam ID. Marami ang nag-iisip na malayo ang lebel ng EVOS Legends sa Geek Fam, ngunit hindi ito totoo. Iba ang gameplay ng Geek Fam ngayong nasa kanila na sina Baloyskie at Janaaqt.

Pruweba dito ay ang pagkuha nila ng puntos laban sa RRQ Hoshi. At kahit pa laban sa EVOS, may potensyal na manalao ang Geek Fam sa dalawang games na kanilang pinaglabanan.

EVOS Legends EVOS Sutsujin MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Ngunit pinatunayan ni Sutsujin na hindi lang siya basta kapalit ni Ferxiic, kung hindi isang bagong pag-asa na nagawang baligtarin ang dalawang importanteng sitwasyon para sa White Tigers sa parehong matches.

Ang una ay nung Game 1 kung saan nagawa niyang ma-steal ang Lord na na-set up ng Geek Fam. May ilan na inilayo ang team fight palayo sa Lord, nangangahulugan na maganda ang komunikasyon niya sa kanyang mga teammates.

Ang sumunod ay nang puntiryahin ng kanyang Karina ang Ling ni Janaaqt na naging dahilan ng pagkuha nila sa Lord at sa huli na tumulong s kanilang ipanalo ang ikalawang game.

Mahihirapang makabalik si Ferxiic dahil kay EVOS Sutsujin

Merong tatlong dahilan kung bakit malaki ang inaasahan ng EVOS Fam kay Sutsujin. Ito ay base sa press conference na nangyari kung saan naroon din ang analyst ng team na si Steven Age.

  • Mataas ang kumpiyansa ni EVOS Sutsujin
EVOS Sutsujin Age MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Mataas ang kumpiyansa ni Sutsujin sa kanyang sarili. Bagama’t mukha siyang tahimik, nakita ito sa kanyang mga pahayag. Inamin niyang preparado ang kanyang isip sa kabila ng biglaang pagkalipat niya papuntang EVOS Legends upang maglaro sa MPL.

“Definitely happy (to be promoted). The first time I was surprised to suddenly go up (to EVOS Legends) but there was no burden at all. You have to be mentally strong when playing in the MPL. Hopefully I can be better than Ferxiic,” sabi niya.

Hindi nagdalawang isip si Sutsujin na sabihing ang performance ni Janaaqt, na may karanasan sa paglalaro sa MPL PH, ay ordinary at katumbas lang ng isang MDL player. Kung kaya’t handa siyang makipagsabayan kay Alberttt sa susunod na linggo.

“Janaaqt is normal anyway. Just like against other teams in the MDL,” sabi niya.

“I’m definitely PD wearing Ling in front of Alberttt. The message is don’t be fierce, I’m still a new kid,” dagdag pa niya.

  • Katangian ni Sutsujin na wala kay Ferxiiic
Ferxiic EVOS Legends MPL ID S7
Credit: Muhammad Thalhah / ONE Esports

Bilang isang analyst, ibinunyag ni Age kung anong meron si Sutsujin na wala kay Ferxiic. Inamin niyang walang masyadong pagkakaiba sa mechanics ng dalawa, ngunit meron isang importanteng bagay.

“Playstyle and mechanics are not much different. Perhaps Ferxiic is more in an aggressive direction, while Sutsujin is disciplined. We need more disciplined players, so we don’t blunder,” sabi ng dating Bigetron Alpha coach.

“Ferxiic is not a frequent blunder, but we need a more disciplined one,” patuloy niya.

  • Bawal ang social media kay Sutsujin
Aji "SonsOfAnarchy" Wicaksono
Credit: ONE Esports

Isa pang kalamangan ni Sutsujin ay ang kawalan nito ng pagkagambala ng social media, tulad ni Ferxiic noong Season 7. Sinabi rin ng EVOS Legends manager na si Aji “SonsOfAnarchy” Wicaksono na ipinagbabawal sa mga batang players ng White Tigers ang paggamit ng social media gaya ng Instagram.

Nangyari rin ito kay Ferxiic noong Season 7. Tila déjà vu na nangyayari rin ito kay Sutsujin. Ngunit magiging problema ito para kay Ferxiic. Dahil kung magpapatuloy si Sutsujin sa pagiging consistent, lalabo ang posibilidad na makabalik siya sa MPL.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.