Walang sakit o injury na makakapigil kay Gustian “EVOS Rekt” Hidayat na tuluyan ang kaniyang koponan na makamit ang inaasam nilang tagumpay ngayong season.

Inilabas ng EVOS Legends superstar ang kaniyang gilas sa unang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 9 (MPL ID Season 9). Gayunpaman, natagpuan ni EVOS Rekt bago pa man magsimula ang season na mayroon siyang cubital tunnel syndrome, isang neurological disorder na nakakaapekto sa kaniyang mga braso at kamay.


Paano natuklasan ni EVOS Rekt ang kaniyang medical condition

Credit: EVOS.REKT

Bago gumulong ang MPL ID Season 9, inamin ni EVOS Rekt sa isang livestream na nakakaramdam siya ng kakaibang sensation sa kaniyang mga kamay. 

“I’ve read Google and it said it’s because I often do repetitive activities. I think I’m already old,” aniya. “I want to go to the hospital later for a nerve check. It’s like a ticklish, tingling sensation.”

Sa hiwalay na livestream, ikinuwento ng beterano sa kaniyang mga fans na tumungo siya sa isang neurologist para mapasuri ang kaniyang mga kamay. Dito rin niya nalaman na mayroon siyang cubital tunnel syndrome.

Tiniyak naman ng EVOS Legends mainstay na mabuti pa rin ang kaniyang kalagayan. “I’ve been to the doctor guys. Time to rest first. I’m still good,” 

Ayon sa American Society for Surgery of the Hand, ang syndrome na mas kilala sa tawag na “cell phone elbow”, ay sanhi ng pagkakaroon ng pressure o pagkabanat ng funny bone nerve. Kapag nangyayari daw ito ay nagdudulot ito ng pagkamanhid o panginginig ng ring at small fingers, kirot sa forearm at panghihina ng mga kamay.

Sa kabutihang-palad, ang cubital tunnel syndrome ay nagagamot ng therapy. Kung bibigyan ng pagkakataong magpahinga ang na-diagnose ng sakit ay mataas ang tiyansa ng full recovery.


Bagamat may cubital tunnel syndrome, naglaro pa rin si EVOS rekt sa Week 1 ng MPL ID S9

Credit: EVOS Esports

Parte ang EVOS Legends star ng main roster na nakipagbakbakan sa unang linggo ng torneo kung saan hinarap nila ang magigiting na Bigetron Alpha at Aura Fire teams.

Hindi man nakakuha ng panalo kontra Bigetron ay nakaisa ang M1 World Champions kontra Aura bago magtapos ang linggo.

BASAHIN: EVOS Legends REKT inaming kailangan pang gabayan si Cr1te sa kanilang kampanya sa MPL ID S9