Usap-usapan ngayon kung anu-anong aktibidad nga ba ang nakakapagpabalik ng sakit sa kamay ni EVOS Legends captain roamer Gustian “REKT” Hidayat, lalo pa’t nag-withdraw siya mula sa Indonesian MLBB national team selection para sa 31st SEA Games.
May problema si EVOS REKT sa kanyang kamay at sa katunayan ay na-diagnose siya na may Cubital Tunnel Syndrome na nakakapagpakirot dito sa ilang partikular na kondisyon.
Siya pa naman ang pinaka-aktibong manlalaro sa Mobile Legends: Bang Bang professional scene. Siya lang ang pro player na hindi nagpahinga mula MPL Indonesia Season 1 hanggang Season 9.

Mula pa noon ay nagpe-perform na si EVOS REKT sa pinakamataas na lebel at naglaro na rin siya ng iba’t-ibang role sa mga nakalipas na seasons. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung itinuturing siyang isa sa pinakamagagaling na manlalaro ngayon.
Sa kasamaang palad, ang matinding intensity ng paglalaro ng MLBB ang nagbigay ng problema sa mga kamay ng kapitan ng EVOS Legends.
Bumalik ang sakit sa kamay ni EVOS REKT kaya siya napwersa mag-withdraw sa national team selection

Pabalik-balik ang kirot sa mga kamay ni EVOS REKT kaya kinailangan niyang magbitaw ng maraming bagay. Naramdaman niya talaga ang sakit ngayong season kaya nagpunta siya sa doktor na dineklarang may Cubital Tunnel Syndrome siya.
Maaaring ang kondisyon niya ay hindi ganoon kaseryoso at pwedeng gumaling kung susundin ang mga utos ng doktor. Kaya nga lang masyadong mabigat ang ginaginawa niya sa Indonesian MLBB national team selection kaya umalis siya rito at nag-focus na lamang sa MPL maging sa live streaming.
Bumabalik ang sakit ni EVOS REKT kapag ginagawa niya ito
Sa kabila ng kanyang kondisyon, si EVOS REKT pa rin ang top choice ng EVOS Legends squad. Hindi lang siya nakapaglaro sa match kontra Geek Fam ID at sa isang laro laban naman sa ONIC Esports.
Bagamat mala-mala ang kanilang mga resulta, hindi maikakaila na malaki pa rin ang impluwensiya ni REKT sa EVOS Legends. Pinaniniwalaang siya ang main shotcaller at leader ng koponan.

Pero ang matinding intensity nga ba ng paglalaro ang nagpapabalik ng kanyang kondisyon? Nilinaw niya ito.
“Kalau laga sengit seperti tadi (melawan Alter Ego) tidak berasa sih. Tapi saat live tiga jam baru tuh (berasa) (Hindi ko naman nararamdaman kahit sa isang matinding laro katulad na lang ng match laban sa Alter Ego. Pero ‘pag nag-live ako ng mga tatlong oras doon ko nararamdaman),” sinabi ni EVOS REKT pagtapos ng match laban sa AE, ayon sa Esports ID.
Pagsasalin ito ng artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.