Sentro ng usapan sa Mobile Legends eksena ngayon ang pangalan ni EVOS Sutsujin matapos magpakitang-gilas para sa White Tigers sa Week 2 ng MPL Indonesia.

Susi ang kaniyang maniobra sa Ling at Karina para walisin ng EVOS Legends ang Geek Fam ID, 2-0 sa Week 2 Day 2 matchup.

Ngunit bago pa man ipamalas ang kaniyang husay sa jungle sa MPL ay talagang maingay na ang pangalan ni EVOS Sutsujin dahil sa kaniyang performance para sa EVOS Icon, ang MDL team ng organisasyon.

Credit: EVOS Esports

EVOS Sutsujin unang nagpabilib sa EVOS Icon

Kahit pa sentro ng atensyon ang bagong star ng development team na si Branz, ipinakita ng batang jungler na karapatdapat ang kaniyang pag-angat sa primary team ng White Tigers ngayong season.

Partikular na ipinakita ni EVOS Sutsujin ang kaniyang pambihirang skills sa H3RO Esports tournament. Sa naturang torneo, kumamada siya gamit ang kaniyang assassin heroes at nagpabilib sa kaniyang mahusay na mechanical skills. 

Sa grand finals kontra GPX, bokya ang kalaban sa kaniyang Ling na, sa isang pagkakataon ay nagawa pa ngang makuha ang Lord ng walang Retribution.

Credit: MDL

Maaaga pa para ikumpara ang pro sa mga hari ng assassin jungler heroes tulad ni Albertttt at Ferxiic ngunit malaki ang kapabalidad niya na makamit ang lebel na ito kung mapupukpok pa lalo sa MPL.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Pasabog ang debut ni Dlar sa MPL ID S10 laban kila Baloyskie at Janaaqt