Magkasing-gilas daw si EVOS Wann at si Salic “Hadji” Imam? Iyan ang banggit ng isa sa mga haligi ng EVOS Legends na si si Setiawan Ade.
Hindi naman sasabihin ito ni Ade kung wala siyang basehan lalo na kung isasama sa diskusyon ang karera ni Wann sa MLBB eksena sa Indonesia. Mababalikan na itinuturing ang EVOS veteran bilang isa sa players na may pinakamataas na mechanical skills sa kaniyang panahon.
Nagsimula ito ng tulungan niya ang White Tiger na makamit ang MPL Indonesia Season 4 title at ang unang M World Series kampeonato. Pagkatapos makuha ang rurok ng tagumpay ay kasabay nito ang unti-unting pagkawala ng ingay ng kaniyang pangalan sa eksena.

Burnout ang naranasan ni EVOS Wann kaya naman noong Season 7 ay napagdesisyunan niyang magpahinga muna sa competitive scene. Bagamat wala ang kanilang veteran ay nagawa pa rin ng EVOS Legends na mapagtagumpayan ang MPL ID S7 sa tulong ng kanilang noon ay bagong jungler na si Ferxiic.
Sinubukan ni Wann na itaguyod ang kaniyang comeback noong S8, sa pagkakataong ito naman ay bilang midlaner. At kahit pa nagpakitang-gilas ang pro sa bago niyang posisyon sa ilang matches ay malaking dagok ang inconsistency niya partikular na sa playoffs.
Sa pagkakataong din ito umusbong ang pagdududa ng fans sa kaniyang kakayahan na ipagpatuloy pa ang kaniyang karera.
Ade: EVOS Wann = Hadji sa midlane

Paglalahad ng EVOS Legends analyst, malakas daw na midlaner si EVOS Wann. Kung tutuusin daw ay kaya sana ng pro na buhatin ang White Tigers papunta sa kanilang depensa ng kanilang kampeoanto, kung hindi lamang daw dahil sa pang-aatake na natanggap nito mula sa fans.
Pagtataya pa ng analyst, magkasing-husay daw si Wann at ang batikang midlaner na si Hadji ng Blacklist International.
“You don’t know. During season 8 EVOS would have won if Wann was confident in the mid. It’s all because you netizens say Wann is just a jungler,” aniya.
Maalalang signature picks ito ni Hadji sa MPL Philippines Season 8 kung saan nag-debut din siya bilang midlaner mula sa kaniyang orihinal na role bilang jungler.

Dagdag pa ng technical coach, “But you don’t know the result of the scrim, you don’t know how good Wann was at that time. He is equal to Hadji in the mid. There are many heroes [sa hero pool]. Netizens don’t know that he is equal to Hadji before, because he can play Chou, Yve, Lylia. He’s also the originator of Lylia.”
“After that at MPL Wann was not confident. He still has the feeling ‘I’m a jungler, I’m a jungler’”
Ang malaking tanong ngayon ay kung sasalang ba si EVOS Wann para sa lineup ng White Tigers ngayong Season 10.
Antabayanan ang mga balita tungkol dito sa Facebook ng ONE Esports Philippines.