Matapos talunin ng RRQ Hoshi, hindi nagpakakampante ang ONIC Esports at agad na nag-init sa sumunod nilang laban. Kaharap ang isa sa mga pinakamahigpit nilang kalaban para sa top spot, ang Aura Fire, pinatunayan nina Sanz at ng kanyang mga kasamahan na hindi pwedeng maliitin ang mga defending champions.

Parang inilabas nila ang lahat nang pagkadismaya mula sa kanialng huling laban, naging bayolente ang ONIC Esports at hindi na binigyan ng pagkakataon ang kanilang mga kalaban.

Facehugger pinuntirya ng ONIC Esports

MLBB Facehugger
Credit: Facehugger Instagram

Bihirang lumutang ang pangalang Facehugger pag pinag-uusapan ang Aura Fire, kahit pa minsan nang sinabi ni High na ang midlaner ang isa sa mga dahilan sa likod ng tagumpay ng Aura Fire.

Hindi ito nakalampas sa radar ng ONIC Esports. Napatunayan ito sa isang laban noong ikalimang linggo nang barahan nina CW at ng kanyang team ang mga galaw ni Facehugger, na nagresulta sa kanilang panalo sa score na 2-0.

Sa post-match interview session, kinumpirma rin ito ni Samoht. Ayon sa kanya sinadya ng kanhyang team na pag-initan si Facehugger sa kabuuan ng game.

“Honestly we did plan to turn off Facehugger, we assume that he is the key to aura fire,” sabi ni Samoht.

Nananatili ang pag-asa ng ONIC Esports na makapasok sa top bracket playoffs

MLBB ONIC Esports Aura Fire
Credit: MPL ID

Matapos manalo, nagawa ng ONIC Esports na makaakyat sa ikalawang pwesto ng kasalukuyang standings. Ngunit sa kabila nito, maliit lang ang lamang nila sa Aura Fire na kasalukuyang nasa iaktlong pwesto, one point na lang ang pagitan.

At dahil tatlong linggo na lang ang natitira sa regular season ng MPL ID Season 9, ang bawat isa sa mga susunod na games ay importante para sa ONIC Esports kung gusto nilang makakuha ng upper bracket slot.

Dagdag pa rito ang paglapit ng Alter Ego mula sa ikaapat na pwesto, mas lalong umiinit ang laban para sa top 2 ng regular season. Aling team ang sa tingin mong makaka-secure ng upper bracket ticket sa pagtatapos ng season?

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.