Inamin ni Coach Ronaldo “Aldo” Liebert ng ONIC Esports na galing sa Pilipinas ang 2 roam meta na kasalukuyang namamayagpag ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 9.

Simula noong pinasok sa main squad si Thomas “SamoHt” Obadja, naging paborito na ng koponan ang 2 roam meta. Pinaniniwalaan kasing dahil sa pagiging roamer ng nasabing manlalaro kaya’t naging matagumpay ang ONIC Esports sa paggamit nito.

Nasampolan nga rin ng 2 roam meta ang Bigetron Alpha matapos silang mawalis ng Yellow Hedgehog noong ika-apat na linggo ng regular season.


ONIC Esports, hari ng 2 roam meta sa MPL ID S9

Nakuha raw ng ONIC Esports sa Pilipinas ang 2 roam meta na sikat ngayon sa MPL ID S9

Sinubukang gamitin ng Bigetron Alpha ang 2 roam meta noong unang mapa ng serye sa tulong ng Ruby at Natalia. Kaso nga lang, mas nanaig ang Selena at Franco ng ONIC Esports.

Hindi rin masyadong nakapagparamdam ang Fanny ni Maxwell “Maxx” Alessandro. Gayun din ang kinuha nilang Aldous na na-counter lang ng Wanwan ng ONIC Esports.

Sa ikalawang mapa, Franco at Diggie naman ang kinuha ng ONIC Esports para maisagawang muli ang 2 roam meta.

Nakuha raw ng ONIC Esports sa Pilipinas ang 2 roam meta na sikat ngayon sa MPL ID S9

Hindi nakaporma ang Lancelot ni Matthew “Matt” Geraldo, dahil na rin sa bilis makapitas ng Fanny ni Gilang “Sanz” at rotation ng dalawa nilang roam.

Matapos ang serye, napatunayan na mas gamay ng ONIC Esports ang 2 roam meta kumpara sa Bigetron Alpha.


Galing sa Pilipinas ang 2 roam meta ayon kay Coach Aldo ng ONIC Esports

Nakuha raw ng ONIC Esports sa Pilipinas ang 2 roam meta na sikat ngayon sa MPL ID S9
Credit: Instagram/ONIC Esports

Pagkatapos ng laban, nakapanayam ng ONE Esports ang koponan at dito ipinaliwanag nina Coach Aldo at Coach Marsam “Mars” Fakhre ang nasabing stratehiya.

Bukod sa pag-amin na mula sa Pilipinas ang 2 roam meta na kanilang ginagamit, kinumpirma rin nilang dahil sa pagiging roamer ni SamoHt kaya’t epektibo nila itong nagagawa.

“Iya, mungkin karena SamoHt yang seorang roamer. Tapi karena kami juga ingin memperluas gameplay. Kami belajar dari M3 yang mana Filipina sering pakai META 2 roam, sehingga kami ingin bisa pakai strategi itu,” paliwanag Aldo.

(Oo, marahil ay dahil roamer si SamoHt, pero gusto rin sana naming i-expand ang aming gameplay. Natutunan namin noong M2 na madalas gumamit ng dalawang roamer ang Pilipinas kaya gusto rin naming gamitin ang strategy na ‘to.)

“Menggunakan META 2 roam artinya pressure (tekanan) di early game bisa sangat kuat. Jungler lawan pun bisa kesulitan karena clear wave cepat dan bisa langsung rusuh. Simpelnya sih itu,” dagdag ni Mars.

(Mabisa pang-pressure sa early game ang 2 roam meta. Napapahirapan din nito ang kalabang junger dahil sa bilis makapag-clear ng wave na nasusundan ng mas madalas na bakbakan.)


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL PH, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Unang panalo ng Bren Esports sa MPL PH S9 sinelyo nina Lord Malikk, Stowm