Selyado na ang unang panalo ng Bren Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9 matapos magpakitang-gilas ni Mujahid “Lord Malikk” Malik kontra Smart Omega sa ika-apat na linggo ng regular season.

Tinuldukan ng koponan ang two-match win streak ng kanilang ‘bestie’ para maitala ang unang dalawang puntos sa kanilang standings.

Lord Malikk at Stowm, bumida sa unang panalo ng Bren Esports

Unang panalo ng Bren Esports sa MPL PH S9 sinelyo nina Lord Malikk, Stowm
Credit: MPL Philippines

Ibang Bren Esports ang nagpakita sa nasabing best-of-three, hindi lang sa aspeto ng galawan kung hindi maging sa mga miyembro. Binangko kasi muna sina David “FlapTzy” Canon, Kenneth “Saxa” Fedelin, at Marco “SUPER MARCO” Requitano, para makapaglaro sina Vincent “Pandora” Unigo, Dale “Stowm” Vidor, at MPL PH sophomore na si Malikk.

Sa unang mapa ng serye, nagsilbing susi sa unang panalo ng Bren Esports ang Maniac na nakuha ni Malikk sa kanyang Aulus bago sumapit sa ikasampung minuto ang bakbakan. Siya rin ang hinirang na MVP ng laro matapos magtala ng walong kills at dalawang assists nang hindi namamatay.

Unang panalo ng Bren Esports sa MPL PH S9 sinelyo nina Lord Malikk, Stowm
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Bagamat nakapuntos pa rin ang Smart Omega, hindi ito naging hadlang para tuluyang makuha ng Bren Esports ang serye. Muling bumida si Lord Malikk, gamit naman ang Lancelot, sa tulong na rin ng Mathilda ni Stowm.

Halos umabot ng 22 minuto ang huling mapa pero sa tulong ng evolved Lord at tamang pangungulit ng Esmeralda ni Pandora, nagawang tunawin ng kanyang mga kakampi ang buhay ng base ng kalaban.

Kinilala bilang MVP si Stowm

Unang panalo ng Bren Esports sa MPL PH S9 sinelyo nina Lord Malikk, Stowm
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Bago harapin ang TNC Pro Team sa Linggo, ika-13 ng Marso, kasalukuyang 1-5 ang win-loss standing ng Bren Esports. Meron silang dalawang puntos at namamalagi pa rin sa ikawalong puwesto ng standings.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL PH, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: ‘Weird’ daw para sa V33Wise duo ang bagong MPL PH rule na ‘to