Patuloy ang paggawa ng Blacklist International duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James” Wise” Del Rosario ng mga content patungkol sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9 kahit pa kasalukuyan silang nagpapahinga mula sa kompetisyon.

Sa isang video, pinagusapan nina V33Wise ang bagong rule ng liga kung saan dapat nang magsumite ang mga koponan ng kanilang lineup isang araw bago magsimula ang kanilang laban.

“Weird” daw para sa V33Wise ang bagong patakarang ito dahil maaari nitong matanggal ang excitement bago magsimula ang laban.

Ano ang bagong MPL PH Season 9 rule?

Credit: MPL Philippines

Napansin ng V33Wise na para sa MPL PH Season 9, kailangan ma-lock ang roster ng mga koponan isang araw bago sumabak sa laban, kumpara noong nakaraang season kung saan ilang oras lang bago ang kanilang laban nagsusumite ng lineup.

Ito ang nakasaad sa 5.4.1 ng rulebook ngayong season:

“During the regular season (The deadline to submit would be 18:00 (GMT+8) of the previous day). For playoffs other than each team first match of the day, Teams are allowed to modify their roster 30 minutes prior to the start [of] the next match during the same day.”

Ang palagay nina V33Wise sa bagong rule

'Weird' daw para sa V33Wise duo ang bagong MPL PH rule na 'to
Credit: OhMyV33nus

Sa kanilang vlog, ibinihagi ng duo ang kanilang palagay ukol sa pagbabago matapos pag-usapan ang kasalukuyang kampanya ng Nexplay EVOS at kung paano sila nakakagamit ng tila dalawang team gamit ang kani-kanilang mga miyembro.

“Para sa akin mawawala talaga ‘yung surprise factor kasi tulad namin… ‘yung [ONIC PH] diba parang dikit talaga na laban. So iniisip namin, ‘sino kaya lalaro?’ Malalaman lang namin kung sino ‘yung lalaro 20 minutes or 30 minutes before the actual match,” kwento ni Wise.

Gayun din daw ang naranasan nila kontra RRQ Hoshi noong M3 World Championship, ani OhMyV33nus, kaya’t kinailangan nilang gumawa ng dalawang draft depende sa kung sinong player ang papalaruin ng koponan.

“Hindi lang sa draft kung hindi ‘yung ie-expect mo. Kailangan mo rin aralin ‘yung player na ‘yon, kung ano nga ba ‘yung ginagamit, saan siya magaling, saan siya mahina and all,” dagdag ni OhMyV33nus.

Inudyukan din ni Wise ang Moonton na sana’y ibalik ang dating rule para maging exciting muli ang bawat laban.

Mapapanood ang buong video nina V33Wise dito:

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL PH, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 posibleng dahilan kung bakit ‘di pa rin pinapalaro si RRQ Lemon sa MPL ID Season 9