Isa sa mga hero na humuhulma sa meta ng MPLI 2021 si Mathilda.

Namayagpag ang support hero sa tatlong araw ng group stage. Sa 28 kabuuang mapa na nilaro noong nagdaang tatlong araw, 18 beses siya na pick at 10 beses na-ban, para makapagtala ng 100% map appearance.

Siya ang ikalawa sa most picked na hero sa turneo, sumunod kay Ruby na 20 beses napili. Sa kabila nito, malayo ang agwat ng kanilang win rate, dahil 55% lang ang sa fighter, habang 61.11% naman ang win rate ni Mathilda.

Bago magsimula ang quarterfinals, tinanong namin ang mga Filipino analyst na sina Caisam Wolf at Renmar Santa Cruz tungkol dito.

3 dahilan bakit namayagpag sa group stage ng MPLI 2021 si Mathilda

Namayagpag sa group stage ng MPLI 2021 si Mathilda
Credit: Moonton

Flexible sa draft

Kadalasang priority pick ng mga team sa MPLI 2021 si Mathilda dahil maaari itong gawing position four o position five. Isa ito sa mga katangiang wala sa solid na Mage support o Tank roam kaya’t mas mahirap para sa mga mapipilian nito na mag-adjust ng draft.

Screenshot ni Maouie Reyes / ONE Esports

Bukod dito, malakas din ang support hero ano man ang punan niyang role. Kaya niyang mangibabaw sa mid lane, manggulo sa jungle ng kalaban bilang roamer, o mang-babysit ng gold laner.

Maganda mag-scale sa laban

Mula early game hanggang late game, hindi bumababa ang bisa ni Mathilda sa laban.

Isa siya sa may pinakamataas na poke damage sa early game, salamat sa Ancestral Guidance at Soul Bloom. Wala man heal gaya ng ibang support, hindi naman matatawaran ang kakayahan ng Guiding Wind na bigyan ang kanyang mga kakampi ng shield, dagdag movement speed, at dash.

At syempre nariyan din ang kanyang ultimate na Circling Eagle, isa sa mga pinaka-reliable na disable sa laro. Hindi rin ito masyadong mahirap i-execute, ‘di tulad ng mga ultimate ng tank gaya nina Khufra o Chou na crucial kung hindi mapapatama nang maayos.

Isa sa mga signature pick ni OhMyV33nus

Blacklist International captain OhMyV33nus
Credit: Blacklist International

Sa kahabaan ng group stage, bukambibig ng mga koponan na gusto nilang makaharap ang back-to-back champions ng MPL Philippines na Blacklist International.

Sila ang team to beat sa turneo kaya hindi malabo na isa sa mga dahilan kung bakit namamayagpag sa MPLI 2021 si Mathilda ay dahil isa ito sa mga signature hero ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, ang kapitan at support player ng Filipino team.

Dahil sila ang kinikilala bilang ang pinakamalakas na koponan, malaki rin ang kanilang impluwensiya sa meta ng laro.


Magpapatuloy ang MPLI 2021 sa ika-anim ng Nobyembre sa ganap na ika-isa ng hapon. Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng turneo sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.