Ilang araw na lang ang nalalabi at magsasalpukan na ang pinakamalalakas na Mobile Legends: Bang Bang teams sa Southeast Asia sa MPL Invitational 2021 (MPLI 2021) ng ONE Esports.

20 koponan, kabilang na ang limang reigning MPL champions mula sa Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Singapore, at Cambodia, ang mabibigyan ng pagkakataong maiuwi ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 prize pool.

Pero kumusta nga ba ang lagay ng bawat kalahok sa international tournament na ‘to? Narito ang rankings ng top 10 teams sa opisyal na MPLI 2021 power rankings ng ONE Esports.

MPLI 2021 Power Rankings

1. Blacklist International

MPLI 2021 Power Rankings: Blacklist International

Blacklist International ang mangunguna sa rankings dahil sa kanilang pangingibabaw noong nagdaang MPL PH Season 8. Ang utak sa likod na tanyag na ‘UBE’ Strategy, napatunayan ng koponang ito ang kanilang tikas matapos iselyo ang back-to-back championships noong ikapito at ikawalong seasons.

Noong S8, nagtala sila ng nakamamanghang 13-1 win-loss record sa regular season. Bagamat nasipa pababa sa lower bracket ng Smart Omega noong playoffs, nagawa pa rin nilang maka-abot sa grand final.

Sa huling serye ng palaro, pina-ikot ng Blacklist International ang ONIC PH sa kanilang palad sa tulong ng Bane pick para sa Jungler nilang si Danerie James “Wise” Del Rosario para maselyo ang ikalawang sunod na kampeonato.

Walang duda na dapat kilalanin ang Blacklist International bilang ang pinakamalakas na koponan sa paparating na turneo.

2. ONIC Esports

MPLI 2021 Power Rankings: ONIC Esports

Matapos magtagumpay noong MPL ID Season 3, kapansin-pansin ang pagbagsak ng performance ng ONIC ID noong mga sumunod na season. Dark horse contender nga lang ang turing sa kanila kahit nitong huling season.

Pero nahanap na muli ng ONIC ID noong MPL ID S8 ang kanilang championship form, salamat sa malupit nilang offlaner na si Muhammad Starya “Butsss” Sanubari.

Tagumpay sila sa nagdaang grand final, kung saan tinalo nila ang higanteng RRQ Hoshi sa best-of-seven na umabot pa hanggang sa huling mapa.

Masungkit kaya ng ONIC ID ang ikalawang sunod nilang kampeonato sa MPLI 2021? Sa lahat ng mga dadalo sa turneo, mukang sila ang may pinakamataas na tsansang makapalag sa Blacklist International.

Sa katunayan, hindi na rin nakakagulat kung mauwi sa MPL PH champion kontra MPL ID champion ang finals ng turneo.

3. RRQ Hoshi

MPLI 2021 Power Rankings: RRQ Hoshi

Bagamat bigong makasungkit ng panibagong titulo ngayong season, nananatili pa rin ang ‘Kings of Kings’ bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa buong mundo. Napatunayan nilang hindi hadlang ang pagreretiro ng superstar midlaner na si M. “Lemon” Ikhsan, matapos makapagtala ng 10-4 win-loss record noong regular season at isa pang grand final appearance noong MPL ID S8

Natalo man sa grand final noong makatindig-balahibong game seven, kung naayon lang ang ibang pangyayari para sa kanila, tiyak na papasok ang RRQ Hoshi sa MPLI 2021 bilang MPL ID champions para sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Kaya naman kahit walang koronang suot ang mga hari ngayon, hindi pa rin pwede ma-etsa-puwera ang RRQ Hoshi dahil hindi mapapantayan ang international experience ng koponang ito.

4. ONIC PH

MPLI 2021 Power Rankings: ONIC PH

Marami ang nagulat sa mga pasiklab na dala ng MPL PH S8 runner-up, salamat na rin sa kanilang coach na si Denver “Yeb” Miranda.

Kahit maraming nagbago sa kanilang roster papasok noong nagdaang season, isa na ang pagbabalik ni Allen “Baloyskie” Baloy, nagawa pa rin nilang makapagtatag ng sariling pagkakakilanlan, sa tulong ng split-push strategy.

Sila lang din ang tanging koponang nakadungis sa record ng Blacklist International noong regular season, patunay na maaaring may kahinaan ang signature ‘UBE’ strategy.

Kung itadhana, ‘wag na rin kayong magulat kung makabawi ang ONIC PH kontra Blacklist International sa MPLI 2021. Tiyak na may idea na ang mga ‘to kung paano ma-decode ang defending MPL PH champions.

5. EVOS Legends

MPLI 2021 Power Rankings: EVOS Legends

Nananatili ang tikas ng EVOS Legends sa kalakhang MLBB esports scene kahit pa bigo silang madepensahan ang kanilang titulo sa MPL ID.

Solid ang naging kampanya nila sa regular season sa kabila ng kabiguan kontra Alter Ego noong playoffs. Hindi basta-basta pwedeng idiskwento ang mga batikang beterano at talentadong young bloods na bumubuo sa koponang ito.

Kung may matatawag na dark horse sa MPLI 2021 power rankings na ‘to, tiyak na EVOS Legends na ‘yon.

6. Alter Ego

MPLI 2021 Power Rankings: Alter Ego

Matapos ang nakabibilib na kampanya noong nakaraang taon, susubukan depensahan ng reigning champions ang kanilang titulo bagamat kinapos noong MPL ID S8 playoffs.

Maganda sana ang pinakitang performance ng Alter Ego noong unang bahagi ng regular season pero hindi nila ito na-sustain hanggang sa dulo, dahilan para mag-settle lang sila sa third-place finish.

Noong playoffs, maagang bumagsak sa lower bracket ang koponan matapos walisin ng RRQ Hoshi, na sinundan ng pagkaka-eliminate nila mula sa kamay ng EVOS Legends.

Gayunpaman, tila hawak pa rin ng koponan ang lahat ng kanilang kailangan—ang mga core player na tumulong sumelyo sa kanilang MPLI at MPL ID Season 6 titles—para muling magtagumpay.

Kung makabalik sa dating porma ang Alter Ego, kaya nilang palagan kahit aling koponan sa turneo.

7. Smart Omega

MPLI 2021 Power Rankings: Smart Omega

‘Wag na kayong magulat kung biglang maka-score ng upsets sa MPLI 2021 ang tinaguriang ‘Comeback Kings’. Lalo na’t kahit namalagi ang Smart Omega sa bandang baba ng standings sa kahabaan ng MPL PH S8 regular season, nagawa pa rin nilang magtapos sa ikatlong puwesto.

Siksik sa star power pa rin ang koponang ito kahit pa kaliwa’t-kanan ang pinagdaanan nilang isyu, kabilang na ang paglabag sa ilang alituntunin ng liga at pagkakasuspinde ng MSC 2021 MVP na si Duane “Kelra” Pillas.

Kaya ng Smart Omega na manalo sa turneo, pero mukang sarili nila ang pinakamalaking kalaban nila.

8. Team SMG

MPLI 2021 Power Rankings: Team SMG

Ibang klaseng pagpapakitang-gilas ang pinamalas ng Team SMG simula noong dumating sa koponan mula sa ONIC Esports ng Indonesia si Lu “SaSa” Khai Bean noong nakaraang season.

Tinapos nila ang kampanya sa regular season sa ikalawang puwesto, na may 18-12 win-loss record. Nag-all-in ang koponan pagkapasok sa playoffs. Tinulak sila ng momentum na nakukuha sa kada labang naipapanalo, hanggang sa winalis nila ang Todak sa MPL MY S8 grand final.

Bagamat mas mataas pa rin ang ranking ng ibang MPL PH at MPL ID teams, hindi pa rin dapat i-count out ang Team SMG sa MPLI 2021.

9. EVOS SG

MPLI 2021 Power Rankings: EVOS SG

Pinatunayan na hindi sapat ang malaking roster change para mapigilan ang ‘White Tigers’ na maging back-to-back MPL SG champions.

Nangibabaw sila sa regular season standings at tinuldukan nila ito ng 4-1 na tagumpay sa grand final kontra karibal na RSG SG.

Walang duda sa kanilang lakas sa loob ng Singapore, pero dapat pa nilang patunayan ang kanilang tikas kontra mga kinatawan ng Pilipinas at Indonesia.

10. Aura Fire

MPLI 2021 Power Rankings: Aura Fire

Nakabawi ang Aura Fire noong ikalawang bahagi ng MPL ID S8 regular season sa pamamagitan ng pagtalo sa mga higante tulad ng ONIC Esports at Alter Ego para maselyo ang kanilang playoff spot.

Natalo sila sa dikit na laban kontra EVOS Legends noong unang round ng playoffs, bagay na ikinagulat ng marami na inakalang wawalisin lang ng defending champions ang Aura Fire.

Sipag at tiyaga ang puhunan ng koponang ito. Gigil silang patunayan na may ibubuga pa sila at handa silang gawin ‘yon sa MPLI 2021.


Nakatakdang ganapin ang MPLI 2021 simula ikalawa hanggang ikapito ng Nobyembre. Masusubaybayan ang bakbakan sa opisyal na FacebookTikTokTwitchTwitter, at YouTube ng ONE Esports.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MPLI 2021: Kumpletong MPLI talent reveal para sa lahat ng streams