Nailatag na ang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.58, at maraming pagbabago kaakibat sa patch na ito.
Kasabay ng paglabas ng bagong marksman hero na si Melissa, mayroon ding ilang iniba sa mga heroes sa kasulukuyang pool. Heto ang kumpletong listahan ng mga adjustments at changes na nakapaloob sa February 2022 MLBB patch.
Tampok sa February 2022 MLBB Patch 1.6.58 ang bagong hero na si Melissa

Sa February 2022 MLBB Patch na ito, ilalabas ang bagong marksman na si Melissa na pangalawang hero sa Forsaken Light series matapos ilabas si Yin kamakailan lamang.
Passive – Doll Buster
- Magpapakawala si Melissa ng 150% damage sa mga minions at summoned units.
Skill 1 – Falling!
- Mag-iislide paharap si Melissa at tataaas ang kaniyang attack speed na tatagal ng 3 seconds. Mababwasan din ang cooldown ng skill ng 1.2 segundo bawat pagkakataong makakatama si Melissa ng kalaban.
Skill 2 – Eyes on You!
- Magpapakawala si Muddles ng physical damage sa unang hit at ililink ang mga magkakatabing kalaban sa loob ng 6 segundo. Ang mga linked na kalaban ay babagal ng 60% (na mag-dedecay sa loob ng 1.5 segundong time frame). Makakawala lamang sa link kung makakaalis ang kalaban sa range. Babalik si Muddles kay Melissa kapag masyado iyong malayo. Kapag kasama si Muddles, maaaring i-tap ang Attack Minion button ng diretso gayunpaman ay hindi makaka-multi-hit.
Ultimate – Go Away!
- Passive: kapag handa na ang skill, magpapakita si Cuddles at bibigyan si Melissa ng extra Physical at Magic Defense.
- Active: Papasunurin ni Melissa si Cuddles para magpakawala ng Field of Protection na naglalabas ng damage habang sinasalag ang mga kalaban mula sa field sa loob ng 4 segundo. Maapektuhan din ng field ang movement skills ng kalaban. Mawawala ang field kapag lumabas si Melissa mula rito.
Mga binalanse at in-adjust sa mga heroes sa February 2022 MLBB Patch
Diggie

Attribute
- Tinaasan ang base HP mula 2351 papuntang 2468
- Tinaasan ang base Physical Defense mula 16 papuntang 20
Skill 1 – Auto Alarm Bomb
- Binawasan ang base damage mula 500-800 papuntang 500-600
- Binawasan ang Magic Power Bonus mula 120% papuntang 100% na lamang
- Hindi na ito lalapit papunta sa target at mababawasan ang cooldown
- Bahagyang babawasan ang activation delay
- Bagong Effect: Magkakaroon ng 2 stacks ng Dangerous Sparks si Diggie kapag nakatama ang kaniyang owl alarm ng kalaban. Bawat stack nito ay magdadagdag ng skill damage ng 1% hanggang 60 stacks. Mababawasan ang kalahati ang stacks kapag namatay si Diggie ngunit madadagdagan naman ng 1 stack kapag nakatama siya ng kalaban sa kaniyang egg form.
Ultimate – Time Journey
- Tinaasan ang Shield mula 400-700 papuntang 600-900
Silvanna

Attribute
- Tinaasan ang Attack Speed Ratio mula 80% papuntang 100%
Passive – Knightess’ Resolve
- Tinaasan ang Basic Attack Magic Power Bonus mula 60% papuntang 75%
Skill 2 – Sprial Strangling
- Bahagyang binawasan ang pulling force
Karrie

Skill 1 – Spinning Lightwheel
- In-adjust ang Base Damage Bonus mula 80% Extra Physical Attack papuntang 90% Total Physical Attack
- In-adjust ang Continuous Damage Bonus mula 20% Extra Physical Attack papuntang 20% Total Physical Attack
Gloo

Passive – Stick, Stick
- Binawasan ang Damage Reduction Per Stack mula 10% papuntang 8%
Skill 1 – Slam, Slam
- Base Damage decreased from 300-450 to 260-360
- Explosion Damage decreased from 270-420 to 220-320
Skill 2 – Pass, Pass
- Binawasan ang Base Damage mula 325-400 papuntang 250-300
Yin

Skill 1 – Charged Punch
- Tinaasan ang Base Damage mula 320-520 papuntang 360-560
Skill 1 (Lieh) – Frenzy Strike
- Pinalakas ang Base Damage mula 115-165 patungong 130-180
Skill 2 (Lieh) – Instant Blast
- Pinataas ng bahagya ang knockback duration
Valentina

Skill 1 – Shadow Strike
- Binabaan ang Base Damage mula 320-620 papuntang 290-665
Ultimate – I am You
- Pinatagal ang cooldown mula 35 segundo papuntang 42 segundo
Edith
Ultimate – Primal Wrath
- In-adjust ang Wrath-Based Attack Speed Boost mula 50-150% patungong 25-150%
- In-adjust ang Wrath Based Lifesteal Boost mula 10-30% papuntang 5-30%
Harith
Skill 1 – Synchro Fission
- Pinalakas ang Subsequent Damage mula 510-810 papuntang 540-940
Nana
Passive – Molina’s Gift
- May visual indicator ng makikita kapag handa ang Passive ni Nana.
February 2022 MLBB patch 1.6.58 battlefield adjustments
Purple Buff
- Pinahina ang HP regen kapag napatay ang buff na dating 8% at ngayon ay 5% na lamang
Base Turret
- Magpapakawala na ngayon ang Base Turret ng damage na katumbas ng 80% Max HP (sa halip na 50% ) sa first wave na darating sa kalaban bago mag-12 minute mark.
Ano sa tingin ninyo ang magiging epekto ng paggulong February 2022 MLBB patch 1.6.58 sa meta ngayon? Makisali sa usapan sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: 5 Mobile Legends assassins na nagniningning sa team fights