Dumako na sa kongklusyon ang MPL ID Season 9 regular season at nasaksihan ng mga miron ang epikong salpukan ng mga koponan na pinag-agawan ang mga puwesto sa playoffs para sa tiyansang maiuwi ang korona ngayong Season.

Kasabay ng pagtatapos ng regular season, handa na ang anim na qualified teams na makipagbakbakan para sa pinakamalaking gantimpala sa eksena ng MLBB sa Indonesia.

Heto ang  pinal na MPL ID Season 9 standings:

MPL ID Season 9 Standings

TimMatch W-LMatch RateGame W-LGame RateAgg Points
RRQ Hoshi12-286%25-876%+17
ONIC Esports11-379%22-873%+14
Aura Fire9-564%20-1263%+8
EVOS Legends8-657%18-1751%+1
Alter Ego6-843%17-1750%0
Bigetron Alpha6-843%14-1942%-5
Rebellion Zion4-1029%12-2038%-8
Geek Fam ID0-140%1-283%-27

Wala pa ring kupas ang RRQ Hoshi na nanguna sa standings ngayong season sa 12-2 tala, habang nakabuntot sa kanila ang defending champions na ONIC Esports na may 11-3 record. Sa kabilang banda, susubukang sulutin ng Aura Fire, EVOS Legends, Alter Ego at Bigetron Alpha ang top seeds sa inaasam na tropeyo.

Sa unang round, nakatakdang magharap ang Aura Fire at Bigetron Alpha, kasabay ng bakbakan ng EVOS Legends at Alter Ego. Mag-aabang sa mananalo ang dalawang top-seeded teams.

Credit: MPL ID

Kung pagmamasdang maigi ang MPL ID Season 9 standings, makikitang madidikit ang records ng 3rd to 6th seed kaya siguradong mainit ang masasaksihan ng mga fans.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL ID sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports PH sa Facebook.

BASAHIN: Coach Mars: Madedepensahan ng mga asset ng ONIC Esports ang MPL ID title