Presko sa mata ang pinakahuling handog ng Moonton sa Mobile Legends tampok ang Yi Sun-shin at ang kaniyang unang Epic skin sa laro na Fleet Warden.

Ang Fleet Warden Yi Sun-shin ang ika-anim na balat ng marksman sa laro matapos ang Major General, Apocalypse Agent, Roguish Agent, Lone Destructor, at Azure Sentry.

Taliwas sa mga naunang skins ng hero na kumuha ng inspirasyon sa futuristic styles, tampok ang Paenlong General ngayon na suot ang matikas na armor na tila ay binunot pa sa mundo ng Aquaman ng DC Comics.


Hitsura ng Fleet Warden Yi Sun-shin at skill effects nito

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sampu ng lakas ng karagatan, suot ni Yi Sun-shin ang isang hubog na blue armor na may scales at pointed edges sa pauldrons at poleyns. Pinaganda lalo ang armor ng solid gold rims nito na mas nagpa-angat sa disenyo ng balat.

Bukod sa astig na hitsura ng kaniyang pana at espada, tampok sa Fleet Warden skin ang bago niyang turtle ship. Imbis na isang simpleng barko ang sinasakyan niya kapag aktibo ang kaniyang Dauntless Fleet passive, isang magical sea creature na may kumikinang na mga mata ang nagdadala sa kaniya kung saan siya magpupunta.

Hindi ba’t napaka-angas?

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Kapag nag-cast naman ang Yi Sun-shin ng Tracelss, may water gush effect ang bawat wasiwas ng kaniyang espada. Nagpapakawala din siya ng isang malaking energy burst na nag-iiwan ng water trails kapag ginamit niya ang kaniyang second skill na Blood Floods.

Samantala, kasing-astig din ng kaniyang mga naunang skills ang effects na matatanaw sa kaniyang ultimate na Mountain Shocker. Tatlong water cannons ang bibira sa mga kalaban sa mapa na maglalabas ng malaking water splash effect kapag tumama ito.

Maaari ng ma-avail ang Fleet Warden Yi Sun-shin sa in-game store sa halagang 899 diamonds.



I-check out ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mas marami pang MLBB content.

BASAHIN: Ito ang palagay ng V33Wise sa Blacklist Sentinel, ang M3 skin ni Estes