Nang magtagumpay ang Blacklist International sa M3 World Championship noong Disyembre ng nakaraang taon, iginiit ng gold laner ng koponan na si Kiel “OHEB” Soriano sa post-grand final interview na karapat-dapat si Estes na bigyan ng championship skin. Lalo na’t malaki ang ginampanang papel ng support hero sa UBE strategy nila.

Sang-ayon din ang kanilang mga taga-suporta kaya’t nag-viral ang #WeWantEstes na hashtag nang ibahagi ni Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna na may ibang ideya ang Moonton para sa M3 exclusive skin.

Makalipas ang ilang buwan, napasilip na rin sa wakas ang itsura ng world championship skin. Ito ay matapos i-leak ng ilang pages ang ‘di pa tapos na splash art ng Blacklist Sentinel Estes, ang paparating na M3 World Championship skin ng Blacklist International.


Unang silip sa Blacklist Sentinel Estes M3 World Championship skin

Ito ang palagay ng V33Wise sa Blacklist Sentinel, ang M3 skin ni Estes
Credit: Hero-Pofa

Ang YouTuber na si Hero-Pofa ang unang nag-leak ng unfinished splash art ng skin sa kanyang channel. Naka-suot ng puti, itim, at ginto si Estes, habang tangan ang mas mahabang kulay orange na buhok.

Makikita rin ang logo ng Blacklist International sa may harapan nito, pati ang mga letrang “BLCK” sa may gawing kanan ng suot ni Estes.

Ang Blacklist Sentinel Estes ang ikatlong M-series championship skin. Ang una ay ang Harith ng EVOS Legends noong M1 World Championship, habang ang ikalawa naman ay ang Lancelot ng Bren Esports noong M2 World Championship.


Ang reaction ng V33Wise sa Blacklist Sentinel skin leak

Ito ang palagay ng V33Wise sa Blacklist Sentinel, ang M3 skin ni Estes
Credit: Jonmar Villaluna

Ibinahagi ng tanyag na duo ng Blacklist International ang kanilang palagay sa na-leak na skin sa kanilang livestream. Ayon kay OhMyV33nus, hindi pa raw niya “bet” ang dating nito.

“Parang maganda kung instead of gold, parang ginawa nilang diamond,” paliwanag niya. “Actually sinuggest ‘yon ni Boss Tryke eh, instead of gold, why not diamond daw para… imagine mo black and white and then diamond. ‘Di ba parang… feeling ko ang bongga no’n, instead of gold?”

“Dedepende na lang siguro sa kung anong magiging itsura ng skill effects niya. ‘Pag ‘yung skill effects niya is gold… Oh my god, I will not like it so much,” dagdag ni OhMyV33nus.

Nagbahagi rin ng kanyang palagay si Danerie James “Wise” Del Rosario. Aniya, baka kaya raw gold ang napiling kulay para sa Blacklist Sentinel skin ay dahil parati silang nagcha-champion.

“Blacklist for gold… lagi tayong gold eh. Bagay sa’tin ‘yung gold,” aniya.

Samantala, nakatakda pang ianunsyo ng Moonton ang opisyal na impormasyon tungkol sa M3 championship skin.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng Pinoy exports sa MPL