Bago pa man magsimula ang MPL ID S10, tampok na sa usap-usapan ang Geek Fam ID matapos ang malaking pagbabago sa kanilang roster, kabilang na ang pagkakaroon ng mga players mula sa Pilipinas.
Sa MPL ID S10, hatid ng Geek Fam ID ang roster na kinabibilangan nina Hanz, Rupture, Caderaa, Lzuraaa, Manskuy, at Luke. Ipinakilala rin nila si Allen “Baloyskie” Baloy bilang isa sa dalawang napabalitang Pinoy na maglalaro para sa team.

Ang lineup ng players na ito ay naiiba kumpara sa noong nakaraang season. Maraming players mula sa kanilang MDL team na na-promote at ngayon ay kabilang na sa kanilang Season 10 roster.
Ang mga pagbabagong ito, kabilang na ang pagsali ng dalawang mahuhusay na players mula sa Pinas na sasali sa kanilang roster, ay makakabuti para sa team at sa kanilang pag-angat upang gawing mas exciting ang MPL ID S10.
Makakabangon kaya ang Geek Fam ID sa MPL ID S10?

Maraming fans at mga miyembro ng Indonesian MLBB community ang nagnanais na makita ang Geek Fam na muling bumangon at lumaban sa MPL stage. Ngunit ayon sa prediksyon ng ilang partido, hindi ito magaganap sa Season 10.
Una itong nabanggit ng Blacklist International coach na si Kristoffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza nang gumawa siya ng power ranking para sa MPL ID S10, kung saan inilagay niya sa ikawalo o panghuling pwesto ang Geek Fam.
“I think, they are still in the adjustment period. I’m not sure if Baloyskie will be their new captain, but if it is true, there will be a language barrier problem because he will be a shot caller, even if not 100 percent,” sabi ni Bon Chan.
“I just assumed that when we (Blacklist) faced them (Geeks), I didn’t see their team having an identity because every team had it. I think Geek Fam is currently in the process of looking for that identity,” sabi niya.
Sa usaping ito, nagbigay din ng opinyon ang dalawang sikat na Indonesian MLBB casters na sina Pak Pulung at Ko Lius tungkol sa pag-asa ng Geek Fam na magningning sa Season 10. Duda silang pareho na mangyayari ito.
“Bringing in so many star players and combining with new players, it still takes time. Again, what kind of culture we are, combining the Indonesian brain and what kind of PH. You can do it, but it takes time,” sabi ni Pulung ayon sa Esports ID.

Pareho rin ang pahayag ni Ko Lius. Ang dating Esports Manager ng Moonton Indonesia ay sumasang-ayon sa “team identity” na binanggit ni BON CHAN.
“It still looks like it. I agree with BON CHAN. In fact, in my opinion, what BON CHAN said (about) none of that identity has not been seen. Not yet, it doesn’t mean it won’t be visible. But it’s a little difficult to find,” sabi ni Ko Lius.

Sa madaling salita, ang paghahandang ginagawa ng Geek Fam bago pa man magsimula ang MPL ID S10 ay kailangang magpatuloy upang madiskubre nila ang kanilang potensyal sa laro pati na rin upang ma-develop ang kapangyarihan na kanilang taglay ngayon.
Syempre, umaasa kami na mapapabilis ang prosesong ito at malampasan ng Geek Fam ID ang mga balakid sa kanilang daan, nang makita natin silang pumalag sa MPL ID S10.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.