Ilang sandali matapos ianunsyo ang pagkalas ni Renejay “RENEJAY” Barcase mula sa Nexplay EVOS, mas umingay ang bulong-bulungan ukol sa kapalaran ng NXPE jungler na si John “H2wo” Salonga.

Kaugnay ito ng isang post na inilabas ng sikat na streamer at RSG Philippines member na si Elyson “Wrecker” Caranza sa Facebook, kung saan mistulang naglapag ng sinyales ang personalidad ukol sa kahihinatnan ng batang pro.

Aniya sa naturang post, “Try natin mapag champion yung isa pang malupet na galing sa NXP.”

Credit: MPL Philippines

Bagamat hindi pinangalanan ni Wrecker kung sinong miyembro ng Nexplay ang pinapaksa niya sa naturang pahayag ay inulan ng komento ang post kung saan maraming fans ang nagsabi na si H2wo raw ang tinutukoy ng sikat na MLBB influencer.


Bulungan ukol sa paglipat ni H2wo sa RSG PH

Credit: AkosiDogie

Nagsimula ang balita ukol sa posibilidad ng paglipat ni H2wo sa panig ng RSG Philippines nang maging paksa ito sa isang vlog ni Setsuna “AkosiDogie” Ignacio.

Nailahad sa isang bahagi ng vlog na sinusubukan ng batang pro na mag-tryout para makalahok sa dekoradong team katuwang ang kapwa White Tiger na si Ken “Kzen” Pile.

Mas umingay ang tsismis nang lumabas sa social media sa unang linggo ng taon ang litrato ni H2wo na napahapyawan ng camera na mistulang naglalaro sa bootcamp ng MPL PH Season 9 champions.

At kailan lamang ay mistulang may inilabas na “foreshadowing” din ang RSG PH sa kanilang Raiders.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Wala pang opisyal na anunsyo si H2wo o ang RSG Philippines tungkol sa kanilang plano para sa MPL Philippines Season 11.

Manatiling naka-antabay sa mga balita sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Ito ang saloobin ni Yawi matapos makuha ang M4 world title at ang mensahe niya para kila Renejay at H2wo