Ipinakita ng Alter Ego X pro na si KidsZ na maaaring maging viable ang Harley tank build bilang jungler sa meta ng Mobile Legends ngayon. Karugtong ito ng ipinakitang performance ng batang core player sa kanilang bakbakan kontra Aura Esports na itinumba nila sa score na 2-1 para umangat sa Grand Finals ng MDL Indonesia Season 5.
Sa nasabing tapatan, nakauna ang Aura Esports na makakuha ng momentum matapos nakawin ang Game 1, ngunit hindi pinayagan ng Alter Ego X na makaisa muli ang kalabang team na nilaglag nila sa dalawang magkasunod na laro.

Sa Game 3 ng naturang serye, ipinakita ni KidsZ ang exotic item build sa Harley na hindi lamang sumindak sa Aura Esports, kundi naging susi din sa kanilang pag-angat pabalik ng finals.
Harley Tank build ni Alter Ego X KidsZ sa Game 3

Sinorpresa ni ng Alter Ego jungler ang mga miron ng isalang niya ang Harley sa core position, isang hero na hindi madalas na lumalabas sa meta ngayon. Bukod sa off-meta ang hero, bagong-luto din ang Harley tank build ni KidsZ na naging palaisipan sa Aura.
Bagamat kilala ang hero sa angkin nitong burst magic damage, hindi ito ang naging focus ng galawan ng Alter Ego X dahil sa pagdaloy ng laro, napansin na full tank build ang binuo ni KidsZ sa assassin/mage.
Pagkatapos ng Tough Boots, Twilight Armor, Thunder Belt, Guardian Helmet at Antique Cuirass ang binuong items ng jungler sa kaniyang Harley tank jungler. Ito ay bago niya binuuan ng final item na Immortality ang hero.
Wala mang damage items, malaki ang itinulong ni KidsZ sa kaniyang team matapos pumukol ng 5/1/1 KDA, kaya naman hinirang ang batang pro na MVP ng laro.

Dahil sa panalo, naka-qualify ang Alter Ego X sa grand finals kung saan hinarap nila ang EVOS Legends. Hindi man nagawang depensahan ang kanilang korona matapos bumagsak sa 1-3 score sa finals, napatunayan ng amateur team sa kanilang kampanya na kaya nilang magsalang ng kakaibang hero pick katuwang ng exotic item builds dito.
Makikita kaya natin ang Harley tank build sa pro eksena? Ikomento niyo ang inyong mga saloobin sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.