Nakalahok na din ang EVOS Icon sa listahan ng MDL ID champions matapos ang limang seasons, na mas pinatamis pa ng kanilang revenge win kontra sa Alter Ego X, ang koponan na nagpatumba sa kanila sa grand finals noong Season 4.
Ano ang MDL?
Bukod sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL), ang Mobile Legends: Bang Bang Development League ang isa pang presitihiyosong patimpalak na binuo ng Moonton para mapalakas ang esports eksena nito.
Magmula ng binuksan ito noong 2020, naging pugad ito ng esports talent ng mga teams bago isabak sa bakbakan sa MPL. Ang participating teams lamang sa MPL ang may slot para makapagsalang ng MDL teams, sampu ng mga teams na direktang inimbitahan ng Moonton.
Listahan ng MDL ID champions mula Season 1 hanggang Season 5
| Musim | Juara | Runner-up |
| MDL ID Season 1 | Victim Esports | Recca Esports |
| MDL ID Season 2 | Siren Esports | RRQ Sena |
| MDL ID Season 3 | Siren Esports | Victim Esports |
| MDL ID Season 4 | Alter Ego X | EVOS Icon |
| MDL ID Season 5 | EVOS Icon | Alter Ego X |
MDL Indonesia Season 1 Champion: Victim Esports

Noong unang idinaos ang MDL ID, inaugural champion ang Victim Esports na pinataob ang Recca sa dikitang serye. Unang ibinaon ng Recca ang Victim sa 2-0 bangin ngunit hindi nagpatinag ang kaluanang kampyon na kumuha rin ng dalawang magkasunod na mapa para itabla ang serye.
Hindi nagpapigil ang Victim sa ikahuling laro na agad umarangkada sa early game para puksain ang pag-asa ng kalabang team bago maging una sa listahan ng MDL ID champions.
MDL Indonesia Season 2: Siren Esports Champion

Simula pa lamang ng season ay hindi na kasama sa mga paboritong manalo ng tropeo ang Siren Esports lalo pa’t hindi naging maganda ang kanilang performance sa group stages.
Kaya naman malaking sorpresa para sa mga miron sa malahalimaw na atakeng ipinakita ng Siren sa huling bahagi ng season, na mas umiral pa sa huling laban ng kanilang championship kampanya kung saan dinikdik nila ang RRQ Sena sa 3-1 score sa finals.
MDL Indonesia Season 3: Siren Esports Champion

Kung binagyo ng Siren Esports ang eksena sa MDL ID noong Season 2 ay gayundin ang ipinakita ng koponan na sinagasaan ang kompetisyon sa Season 3.
Binayo ng Siren ang inaugural champs na Victim Esports sa isang 3-0 sweep para maging una sa listahan ng MDL Champions na makaback-to-back panalo sa grand finals.
MDL Indonesia Season 4 Champion: Alter Ego X

Sa ika-apat na rendisyon ng MDL ID, Alter Ego X ang koponang lumabas na pinakamalakas, na regular season pa lamang ay ipinakita na agad ang bangis ng kanilang style of play.
Ang parehong bangis na ito ang dinala nila sa playoffs papunta rin sa grand finals kung saan tinuldukan nila ang EVOS Icon sa 3-1 score para iuwi ang korona at ang Rp75 million (o humigit-kumulang PhP 272,000) prize money. Ito rin ang unang pagkakataon na nakapasok ang Alter Ego X sa listahan ng MDL ID champions.
MDL Indonesia Season 5: EVOS Icon

Gaano ba katamis ang paghihiganti? EVOS Icon ang makakasagot nito. Hindi nagpatinag ang amature team ng White Tigers na kinuha ang kanilang kampyonato kontra sa karibal na Alter Ego X na sinuklian nila ng 3-1 panalo, ang parehong score na itinala kontra sa kanila noong Season 4.
Sa pagkapanalo ng Season 5 korona, makakasama na rin sa listahan ng MDL ID champions ang EVOS Icon, bukod sa cash prize na Rp75 Million o hindi bababa sa PhP 272,000.
Sino ang susunod sa listahan na ito ng MDL ID champions? Sundan ang pinakahuli sa mundo ng MLBB Esports sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Pros at cons ng player rotation ng EVOS Legends, idiniscuss ni Donkey