Nagwagi ang Onic Philippines sa kanilang match laban sa Smart Omega sa Week 5 Day 1 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Sa unang match ng ikalimang linggo ng regular season ng MPL PH Season 8, tinalo ng Onic PH ang Smart Omega sa score na 2-1.

MLBB MPLPHSeason8 Onic Omega ItemBuild
Credit: MPL PH
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa isang pre-match interview, mainit ang mga pahayag na binitiwan ng Smart Omega gold laner na si Grant Duane “Kelra” Pillas patungkol sa Onic PH. “Maka-counter po namin yung push strategy nila,” sabi ni Kelra. “Hindi nga po kami masyadong naghahanda sa kanila e.”

MLBB MPLPHSeason8 Kelra Interview
Credit: MPL PH
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Nagpahayag din sya ng opinyon patungkol sa katapat nyang gold laner na si Jaylord “Hatred” Gonzales, kung saan binanggit nya ang kanyang kalamangan sa kalaban.

“Madali lang po basahin yung laro nya (Hatred),” sabi ni Kelra. “Sobrang dali lang po basahin.”

Ipinaliwanag din ng Omega gold laner kung paano nya tatalunin si Hatred. “Madali lang po sya i-gank sa lane. Mapipilayan na po yun pag na-gank. Kayang-kaya ko po yun. Babaragin ko sa lane yun.”

Nang manalo ang Onic PH sa kanilang match, tinanong si Hatred sa post-match interview kung anong masasabi nya sa mga pahayag ni Kelra na hindi sila pinaghandaan ng team nito. “Nakita naman po namin na hindi sila naghanda,” sagot ni Hatred. “Ang dali ng laban eh.”

MLBB MPLPHSeason8 Hatred PostmatchInterview
Credit: MPL PH
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa pagtatapos ng interview, isang mensahe ang iniwan ni Hatred para sa MSC 2021 MVP bilang sagot sa mga binitawan nitong salita.

“Shout out sa’yo, Kelra. Madali akong basahin, pero yung team ko hindi madaling basahin.”

Makakalaban ng Onic PH ang Bren Esports sa September 25, 8:00 p.m. GMT+8.

Mapapanood ang mga matches nang live sa opisyal na Facebook channel ng MPL Philippines.