Gugulong na ang MPL Brazil Season 2 ngayong Marso at gaya ng ispekulasyon ng marami, matutuloy na ang pagpasok ng elite esports organization mula Indonesia na Team RRQ sa sumusikat na liga.

Karugtong ito ng pahayag ng koponan sa kanilang social media kung saan inilahad ng King of Kings ang anunsyo tungkol sa pagporma nila ng RRQ Akira na magrerepresenta sa organisasyon sa MPL BR Season 2.


Schedule ng MPL BR Season 2

Nakatakdang buksan ang pinakamalaking Mobile Legends patimpalak sa Brazil ngayong ika-11 ng Marso. Gugulong ito hanggang Mayo 1. 

I-uupdate ang artikulong ito kasama ang weekly schedule at mga resulta ng labanan.

Mga Teams na lalahok sa MPL BR Season 2

Gaya ng nakaraang season, susubukang pag-agawan ng walong koponana ng tropeyo ng MPL Brazil Season 2. Kabilang sa mga kasaling teams ay lima na naka-qualify bago ang regular season, at tatlong teams na binigyan ng direktang imbitasyon.

Heto ang listahan ng kalahok na teams:

  • BEEZEEKAY (Qualification)
  • IMPERIAL (Qualification)
  • MOON E-SPORTS (Qualification)
  • OMEGHA ESPORTS (Qualification)
  • ZODIACS ESPORTS (Qualification)
  • RRQ AKIRA (Invitation)
  • DREAMMAX ESPORTS (Invitation)
  • SONS (Invitation)

Tournament format at paghahatiang prize pool

Susundan ng MPL BR Season 2 ang format ng ibang MPL regions kung saan magkakaroon ng Double Round-Robin at magtatapat ang teams sa Best-Of-Three kada match.

Hindi pa inanunsyo kung paano gaganapin ang playoffs ngunit sigurado na ang mananalo ng patimapalak ay mag-uuwi ng malaking bahagi ng US $ 30,000 o humigit-kumulang PhP 1.5 milyon. Katuwang ng bahagi sa prize pool, makukuha din ng malaking parte sa 120,000 Diamonds prize pool ang hihirangin bilang pinakamagaling sa Mobile Legends sa Brazil.

Bukod dito, maiseselyo din ng dalawang grand finalists sa MPL BR Season 2 ang tig-isang tiket para makalaro sa Liga LATAM.

Saan mapapanood ang MPL BR Season 2

Maaaring matunghayan ng mga miron ang pinakamalulupit na teams mula sa Brazil sa pamamagitan ng opisyal na MPL channels:

BASAHIN: Lunna ng Red Canids ipinaliwanag kung bakit malapit sa puso niya ang MLBB hero na Akai