Isa si Victor “Lunna” Monteiro ng Red Canids sa pinakakapansin-pansing manlalaro sa nakaraang M3 World Championship hindi lamang dahil sa kaniyang postura, kundi dahil din sa angkin niyang passion para sa Mobile Legends.

Isa sa mga pinaka-aabangang player sa eksena si Lunna ng Red Canids dahil sa lakas niya sa kaniyang support role, na mas pinabatid pa niya ng tulungan niya ang kaniyang team na nakawin ang pinakaunang MPL Brazil title at maka-qualify sa M3.

Kilala sa kaniyang husay sa Akai, may natatanging rason kung bakit ganito na lamang ang pagkahilig niya sa hero – at wala itong kinalaman sa MLBB.


Bakit napusuan ni Lunna ng Red Canids ang tank hero na Akai sa MLBB

Credit: Moonton

Sa isang M3 World Championship interview segment kasama sina Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna ng Blacklist International at Farway ng Bedel, nagkaroon ng pagkakataong magkausap ang mga pros tungkol sa kanilang MLBB esports careers.

Noong tinanong ni Farway si Lunna ng Red Canids tungkol sa kaniyang pagkahumaling sa Akai, malaman ang sagot ng Brazilian support.

 “Akai came into the picture because my daughter had health issues, and what helped her with this issue was the movie Kung Fu Panda,” aniya.


Malaki ang impact ng anak ni Lunna ng Red Canids sa kaniyang karera sa MLBB

Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Karugtong nito, inilahad din niya ang pinagmulan ng kaniyang in-game name.

“My daughter’s name is Lunna. Everything I do is for her and my family, so I always get emotional when I talk about this,” paliwanag ng pro. “If you mention my daughter in any situation, this will be my reaction.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga kuwentong tulad nito.

BASAHIN: Si OhMyV33nus daw ang Mobile Legends idol ni Lunna ng RED Canids