Nagsimula na ang M3 World Championship kung saan tampok ang 16 sa pinakamalalakas na koponan sa buong mundo para paglaban-labanan ang pinakamalaking bahagi ng US$800,000.

Pero bago sumabak sa aksyon ng group stage, hindi na pinalampas ng kapitan ng RED Canids Kalunga na si Victor “Lunna” Monteiro na makapagpa-picture at makilala ang ilan sa kanyang mga idolo.

Tampok kasi sa isang social media post ng naturang Brazilian ang ilang litrato kasama sina Danerie James “Wise” Del Rosario at Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna. Sa caption, nabanggit ni Lunna na isa sa mga main goal niya sa M3 ang makilala ang mga Pinoy na manlalaro.

Malaki ang impluwensya ng Blacklist International sa RED Canids, ayon kay Lunna

Malaki ang impluwensya ng Blacklist International sa RED Canids, ayon kay Lunna
Credit: RED Canids Kalunga Lunna

Naipaliwanag ni Lunna kung paano naimpluwensiyahan ng back-to-back MPL PH champions ang kasalukuyang kampeon ng kauna-unahang MPL Brazil.

“In my opinion, Blacklist International is the best team in the world right now. Their strategy and style of play is hard to beat, and no team has been able to match them so far,” kwento ni Lunna.

Ginamit ng RED Canids ang signature UBE strategy ng Blacklist International, kung saan gumagalaw ang buong koponan na parang isang buong unit, para mapagtagumpayan ang nasabing liga ng rehiyon.

OhMyV33nus, Mobile Legends idol ni Lunna

OhMyV33nus, Mobile Legends idol ni Lunna
Credit: OhMyV33nus

Inihayag din ng roam player ng Brazilian team ang kanyang papuri sa kapwa manlalaro na si OhMyV33nus.

“My main idol in Mobile Legends is OhMyV33nus, both in and out of the game. V33nus really inspired me in many ways, and it made me happy that we’re facing each other in the first match of M3,” pag-amin ng manlalaro.

Nais din makausap ng RED Canids player si Vynnn ng RRQ Hoshi

Nais din makausap ng RED Canids player si Vynnn ng RRQ Hoshi
Credit: MPL ID

Bukod sa kanyang mga idolo sa Blacklist International, nais din ni Lunna na makilala ang iba pang mga player sa M3, gaya ni Calvin “Vynnn”, ang kapitan ng RRQ Hoshi. Dahil roam din ang role ng Indonesian captain, marami raw siyang natutunan sa laruan nito.

“I also really like Vynnn from RRQ Hoshi. I watch his games a lot and try to understand why he is so different and what I can learn from him,” paliwanag ng kapitan ng RED Canids.

Nais din daw ni Lunna na maka-usap ang dalawang tanyag na manlalaro tungkol sa kanilang karanasan sa laro.

Sa ngayon, itutuloy ng RED Canids ang kanilang kampanya sa M3 World Championship matapos ang kanilang performance sa Group A.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa M3 World Championship sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Ang OHEB Beatrix Build na ito ang bumalagbag sa Group A sa M3 Group Stages