Ang Franco Iron Hook ang isa sa mga skills na kinakatakutan ng mga Mobile Legends: Bang Bang players. Ang first skill na ito ni Franco ay maaaring makapagabigay ng malaking pagbabago sa sitwasyon sa game.

Bagama’t pwede naman itong kontrahin gamit ang battle spell na Purify o ilan pang skills ng ibang heroes, malaking sakuna pa rin ang dala ng Iron Hook para sa kalabang team.

Sa tulong ng Iron Hook at ng kanyang ultimate skill na Bloody Hunt, matutulungan ni Franco na dukutin ang mga core o sino mang hero ng kalabang team na nais nilang puntiryahin. Mas napapadali nito para sa team ang magbigay ng pressure o magsagawa ng follow-up attacks dahil mawawalan ng lakas ang kalaban.

Franco Iron Hook
Credit: Upoint

Subalit hindi madali, lalo na para sa mga hindi sanay gumamit ng Franco, na maging asintado sa pagpapakawala ng Iron Hook sa kalaban. Nangangailangan ng maraming oras ng practice at experience para magamit ang skill na ito nang maayos.

Pero salamat sa mga content creators ng TikTok, merong setting na maaaring magopadali para sa atin na matutunan at masanay gumamit ng Franco Iron Hook.

Tamang settings para sa Franco Iron Hook

Franco Iron Hook
Credit: Moonton

Ipinakita ng TikTok user na si @ivanzftfranco kung paano ayusin ang settings na magpapadali sa paggamit ng Franco Iron Hook. Merong tatlong bagay na dapat baguhin upang maging mas stable ang skill.

Ang unang bagay na kailangang gawin ay magpunta sa “Settings” at piliin ang “Controls”. Tapos ay baguhin at i-off ang Basic Attack Smart Targeting, Assisted Aiming Mode, at Attack Assist.

Bukod sa pagpapakita ng mga bagay na dapat baguhin sa settings, ipinakita niya rin sa video ang pagkakaiba ng paggamit ng Iron Hook bago at pagkatapos baguhin ang settings. At medyo nakakagulat ang resulta.

Ibinato sa parehong direksyon ang Iron Hook, hindi ito tumama sa unang subok. Subalit sa pangalawang pagkakataon, matapos baguhin ang settings, ay tumama na ito.


@ivanzftfranco

Cheat hook:) #mlbb #mlbbtiktok #fyp #tutorial #franco #xyzbca #moots #viral #zyxcba #hook @jonathanliandii @mrbrandonkent @ekooju1 @mobilelegends_id

♬ Ting Ting Ting – ????????????????..????


Pero syempre, hindi ka naman agad-agad gagaling sa paggamit ng Iron Hook sa pagnood lang ng video. Practice at experience pa rin ang kailangan upang magamit ito nang maayos, pero malaking tulong pa rin ang settings na ito. Good luck!

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming, esports, at sa MSC 2022, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.