Alam ng lahat na parte na ngayon si midlaner Viorenita “Vior” Susanto ng ONIC Esports roster para sa MPL Indonesia Season 9. Para kay Vior, maipagmamalaki niya na parte na siya ng isa sa kinikilalang organisasyon sa Indonesia, subalit mayroon pala siyang agam-agam bago pumasok dito.

Kung titignang maigi, tila ipinalit si Vior sa beteranong pro na si Adriand “Drian” Larsen Wong, na bahagi ng MPL ID Season 8 at ONE Esports Invitational 2021 championship lineup ng ONIC ID bago magpasyang magpahinga ngayong season.

Credit: ONIC Esports Instagram

Sa isang panayam kasama ang ONE Esports, ibinahagi ng 22-year-old pro ang kwento kung paanong mula sa pagiging isang talent ay naging MLBB pro siya ng ONIC Esports. Nangyari ang lahat noong huling araw ng roster lock na itinakda ng Moonton para sa ONIC, na nakakuha ng extra time dahil nakapasok sila M3 World Championship.

“To be honest this decision was taken at the last minute (lock roster). Just hours before I signed the contract, the CEO of ONIC contacted me via text message to ask me to be part of the ONIC roster on the MPL ID S9,” kwento ni Vior sa OES.

“Then I said, ‘Is this possible?’ And he said, ‘of course.’ I want it if possible. After that, I signed a contract and on the day I officially became a new member of the ONIC roster,” dagdag niya.

Pinapakita lang nito na gustong-gusto talaga niyang maging pro player ng ONIC matapos magsilbing talent o brand ambassador ng organisasyon. Gayunpaman, mayroon pala siyang inaalala bago siya maging natatanging babaeng manlalaro sa MPL ID Season 9.


Natatakot si Vior na baka ikumpara siya kay Listy Chan

Credit: Grid.id

Bago pumirma ng kontrata bilang player ng ONIC Esports, inamin ni Vior na sobrang saya niya ngunit may pag-aalala sa kanyang isipan.

Bilang natatanging babaeng player sa MPL ID S9, sinabi niya na natatakot siyang baka ikumpara siya ng netizens o Indonesian MLBB community kay Listy Chan, ang kauna-unahang female pro sa MPL ID noong Season 3 kasama ang EVOS Esports.

“Firstly, before I signed that contract, I was quite afraid of being compared to a female player in the previous MPL because she did have skills, while I didn’t. I’m just to fill the void on the roster,” ani Vior.

“But after I rethink, it’s very proud for me. If I turn down this offer it would seem like a loss to me. After I signed it, I felt very happy, excited, surprised and worried at the same time.”

Normal lang ang kanyang naramdaman at siguradong nadama rin ito ng ibang mga manlalaro na papasok sa isang koponan, lalo na’t nakatakdang punan niya ang role na iniwan ng isang star player.

Interesanteng malaman kung magkakaroon ng pagkakataon si Vior na mag-debut sa MPL ID Season 9. Syempre nasa kamay ng coaches na sila Mars at Aldo ang desisyon na iyon.


Salin ito ng artikulo ni Verdi Hendrawa ng ONE Esports Indonesia.