Pilipinas laban sa Indonesia. Kampyon kontra kampyon. Dito iikot ang kwento ng MPLI 2021 Grand Finals ngayon kung saan magbabakbakan ang Blacklist International at ONIC Esports.

Tatangkain ng mga Pinoy na patunayan kung bakit sila ang pinaka-kinatatakutang koponan sa buong mundo, habang susubukan namang iwagayway ng ONIC ID ang bandera ng Indonesia sa international stage.


ONIC Esports, kampyon ng MPL Invitational 2021

Sa MPLI 2021 Grand Finals na ito, Indonesia ang mananaig.

Makabagdamdaming bakbakan ang naganap sa pagitan ng dalawang kupunan ngunit isang late game engkwentro ang nagdikta ng kampyonato sa international na kumpetisyon.

Sa ika-15 minuto ng laro, pinasok ng Blacklist ang rango ng ONIC Esports sa top lane kung saan lumabas ang ibang lebel ng micro plays mula sa mga teams. Gayunpaman, nanaig ang ONIC sa bakbakang ito sa panguguna ng Natan ni Sanz na pumitas sa mga miyembro ng Pinoy team.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Sa puntong iyon umabante ang Indonesians kasama ang Lord, ngunit ng mabuhay si Edward hawak ang kaniyang Paquito, mistulang nabalik ang momentum sa panig ng mga Pinoy.

Hindi nagtagal ang momentum dahil binawi ito agad ng MPL ID champs na inubos ang BLCK sa isang mid lane engkwentro.

Sa panalong ito, iuuwi ng ONIC ID pabalik sa Indonesia ang kampyonato na sinelyo ng Alter Ego noong 2020.

ONIC Esports umarangkada sa Game 3, 2-1

Credit: ONE Esports/ Calvin Trilles

Patuloy ang paggulong ng momentum para sa ONIC Esports sa game 3 ng MPLI 2021 Grand Finals ng patikimin nila ng lason na Bane mid pick, at isa nanamang matulis na Yi Sun Shin ang Blacklist International.

Kasabay ng matalinong drafting, swabe din ang execution ng MPL ID Champions na hindi pinahinga ang Granger ni Wise para bigyang espasyo ang kanilang jungler.

Credi

Pagdako naman ng mid game, hindi binigo ni Sanz ang kaniyang hanay matapos paulit-ulit na iniwasan ang mga initiation ng mga Pinoy, kasabay ng paglalabas ng makating damage output.

Naglista ang ONIC jungler ng 52k damage output at 891 gold per minute, kasama pa ng 5/0/5 KDA papunta sa MVP gantimpala. Isang panalo na lamang ang hinihintay ng ID team para ibalik sa rehiyon ang MPLI kampyonato.


Yi Sun Shin ni Sanz susi sa ONIC rebanse, tinabla ang serye sa 1-1

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Hindi nagpapigil ang ONIC Esports na nagpakita ng pangil kontra Blacklist sa Game 2 kung saan nagpabilib ang Yi Sun Shin ni Sanz.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Kakaibang lebel ng YSS gameplay ang ipinakita ng ONIC jungler na nagsalang ng halimaw na macro plays para pitasin at iwasan ang mga miyembro ng BLCK.

Maagang palitan ang nasaksihan ng mga miron kung saan umabante sa early game ang Indonesians, habang dinomina naman ng Blacklist ang mid game.

Mabilis na push at objective-taking ang isinalang muli ng Bane ni Wise ngunit matinding control sa teamfight ang inambag ni CW sa kaniyang Ruby para bigyang daan ang paglinis na ginawa ni Sanz.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Naglista ang ONIC jungler ng malinis na 10/0/3 kasama pa ng 928 gold per minute.


V33wise sinagasaan ang ONIC Esports sa Game 1

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Mainit na binuksan ng Blacklist ang Grand Finals serye bida ang Bane ni Wise at Estes ni OhMyV33nus. Desimuladong rotation ng MPL PH champs ang susi sa early hanggang mid lane atake upang itala ang kalamangan na umabot sa 10k gold lead sa ika-13 minuto ng game 1.

Bagamat nagpakita ng tibay ang ONIC sa kanilang late game depensa, masyadong mabilis ang pagkuha ni Wise sa mga inhibitor turrets at lord na nagpaliit ng mapa sa panig ng mga Indonesians.

Kakaibang sustain naman ang inambag ng The Queen na nagpahirap sa tangka ng ONIC na bigyan ang mga miyembro ng Blacklist.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Nagtala si Wise ng 885 gold per minute na pinakamataas sa game 1, kasabay pa ng 9 asssists ni OhMyV33nus.

Ang article na ito ay patuloy na i-a-update base sa pinakahuling pangyayari sa MPLI 2021 Grand Finals.