Ang Indonesian MLBB team ay nakatikim ng mapait na pagkabigo dahil hindi sila nakakuha ng anumang medalya sa Mobile Legends: Bang Bang Men’s Division ng 32nd Southeast Asian Games (32nd SEA Games).

Bilang isa sa mga pangunahing koponan na may mataas na tyansang makamit ang gintong medalya matapos makakuha ng dalawang beses na pilak sa mga nakaraang dalawang serye ng SEA Games, maagang Nawala sa tournament ang Indonesia.

Alberttt Team indonesia 32nd SEA Games
Credit: Mobile Legends: Bang Bang

Binubuo ng mga pinakamahuhusay na manlalaro mula sa tatlong pangunahing koponan ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID), natalo ang Indonesian MLBB team laban sa mga kinatawan ng Cambodia at Myanmar sa grupo. Dalawang pagkatalo na sapat upang pigilan sila na makapasok sa playoffs upang makakuha ng medalya.

Ito ang pinakamalaking pagkadismaya para sa pambansang koponan ng MLBB ng Indonesia sa kasaysayan dahil ito ang pinakamababa nilang naabot sa anumang international tournament na kanilang sinalihan.

Tulad ng sinabi ni Bjorn “Zeys” Ong bago ang laban, hindi Madali ang maglaro sa isang best-of-one na sistema. Totoo nga, bawat maliit na pagkakamali ay nagresulta ng malaki at masasakit na kapalit.

Sa kabila ng masakit na kabiguan ng hindi lamang mga players, mga coaches, at mga staff, kundi pati na rin ng lahat nang MLBB fans sa Indonesia, hindi ngayon ang panahon para magsisihan, bagkus ay kailangan nilang suportahan ang isa’t isa.

3 leksyon mula sa pagkabigo ng Indonesian MLBB team

Mas epektibo ang isang buong team kaysa sa all-star

Indonesian MLBB team 32nd SEA Games
Credit: ONE Esports

Ito ang opinyon na agad naging pangunahing usapan. Bagama’t ilang buwan na mula nang mabuo ang all-star team na pambansang koponan ng Indonesia, hindi sapat ang panahong iyon upang maging maayos ang chemistry ng mga manlalaro.

Kung pagbabasehan ang karanasan, ang tatlong edisyon ng SEA Games na may sistema ng pagsasama-sama ng mga manlalaro mula sa ilang koponan ay hindi nagresulta sa gintong medalya. Ganito ang nangyari sa Indonesia. Sa IESF WEC, noong gumamit lamang ng isang koponan ay naging positibo ang resulta.

Ang Myanmar at Pilipinas bilang dalawa sa mga seeded teams ay nagpadala rin ng mga players mula sa isang koponan mula sa Falcon Esports at BREN Esports.

Pangalagaan ang mentalidad, tumutok sa objectives

Alberttt Team Indonesia 32nd SEA Games
Credit: Moonton

Sa maniwala ka man o sa hindi, muntik nang manalo ang Indonesian MLBB team laban sa Cambodia. Ngunit ang ilang karagdagang galaw na kanilang nagawa dahil sa naramdaman nilang malaking kalamangan ay naging isang suliranin.

Ipinapakita nito ang pagkakaiba ng Indonesia sa Pilipinas at Myanmar na talagang nagbibigay  prayoridad sa mga objectives kapag naglalaro. Karaniwang kaalaman na sa MLBB na ang bilang ng mga kills ay hindi mahalaga sapagkat sa isang sandali lamang ay maaaring mabaligtad ng isang koponan ang sitwasyon.

Humuhusay na ang ibang mga bansa maliban sa Indonesia at Pilipinas

DreamS Alberttt Team Indonesia 32nd SEA Games
Credit: Moonton

Isa sa mga pinakakapansin-pansin ay ang husay ng Myanmar at Cambodia. Pinakita ng dalawang bansang ito ang pagtaas ng antas ng kanilang paglalaro sa 32nd SEA Games mula sa draft hanggang sa gameplay.

Hindi naman ito nangangahulugan na hindi umuunlad ang Indonesia, ngunit ang bilis ng pag-abante na ipinapakita ng mga bansang ito ay mas nakikita. Hindi pa rito kasama ang Malaysia at Vietnam na nagpakita rin ng husay sa Group A.

Isang senyales na hindi maaaring magpahuli ang Indonesia dahil ang ibang mga bansa ay may mabilis na pag-unlad at marunong tumingin sa objectives upang manalo sa competitive MLBB.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.