Hindi kasing init ang usapan tungkol sa roster shuffle ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia, hanggang sa inanunsyo nila ang paglipat ni Jaylord “Hatred” Gonzales sa Team SMG.

Suhaz Esports kumuha ng 2 Indonesian players para sa MPL MY S10
CreCredit: Team SMG, ONE Esports

Pero hindi pa pala natatapos sa Pinoy midlaner ang pag-import nila ng players dahil inanunsyo rin ng Suhaz Esports na kumuha sila ng dalawang Indonesian players para sa makumpleto ang kanilang roster para sa ika-10 season ng liga.

Mula RRQ Sena ang dalawang Indonesian players ng Suhaz Esports para sa MPL MY S10

Suhaz Esports kumuha ng 2 Indonesian players para sa MPL MY S10
Credit: MDL ID

Inanunsyo ng Suhaz Esports ang kanilang roster para sa MPL MY S10 sa pamamagitan ng isang televised news broadcast.

Tampok dito ang dalawang Indonesian player mula sa RRQ Sena, ang sister team ng RRQ Hoshi na naglalaro sa MLBB Development League Indonesia (MDL ID), na sina Rico “V1NSMOKE” at Daffa Dwitama “Oxygen” Siregard.

Bukod sa mga ito, nag-import din ang Suhaz Esports ng Pinoy na coach na si Theo “Raizen” Eusebio. Galing ito sa Z4 Esports, isang amateur team na pagmamay-ari ng Smart Omega player na si Billy “Z4pnu” Alfonso.

Ang naturang roster ay kukumpletuhin ng limang Malaysian players na sina Muhammad Sirajuddin “Abumon” Mohd Rezali, Muhammad “SitiNurSana” Danish, Ameer Razin “Razin” Ahmad Fauzey, Ummar, Mukhriz Md “IKYYMONNN” Nisam, at Mohamed Elham Daneal “Amskii” Ishamudin.

Samantala, nakatakda namang magsimula ang ika-10 season ng MPL MY sa ikalima ng Agosto.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: EVOS Legends ni-recruit ang isa sa pinakamalakas na EXP laner mula sa MPL PH